Insert Scene 1 “May naghahanap sayo Jha.” Napalingon naman si Jhana sa katrabahong si Paulo. “Sino?” Nginuya muna niya ang pagkain bago nagsalita. “Si Carmiel Ayala.” Nabitiwan ni Jhana ang kutsara sa pagkabigla. Anong gagawin ng isang Carmiel dito sakaniyang pinagtatrabahuhan? Ano pa ba? May kinalaman nanaman ito kay Gabriel. “Pao, hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko sure na mawawalan na ako ng gana, hindi pa nasusulit ang break ko.” Naiiling na sinabi ni Jhana sa katrabaho. “Kaya nga eh. Malamang aawayin ka nanaman niyan, sige na labasain mo na doon bago pa gumawa ng eksena. Magagalit nanaman si manager.” At iniwan na siya ni Paolo sa loob ng kitchen ng resto. “Anong kailangan niyo Miss?” Bungad ni Jhana kay Carmiel na prenteng nakaupo at umiinom ng orange juice sa dulong

