End KANINA pa malakas ang kabog ng dibdib ni Gabriel. Lahat ng mga bisita ay kinakamayan siya. "Congrats, dude." Kinamayan siya ni Nathan. Kasama nito ang kasintahan. "Salamat, bro." Ngumiti naman si Shantal sa kanya. Iginiya niya ang mga bisita papasok sa loob ng simbahan. "Wow. Totoo na ba `to?" Nagulat si Gab sa biglang pagsigaw ni Gregory. "Babe, ang ingay mo," anang kasintahan ni Greg na si Dorothy. "What? Masaya lang ako para kay Gabby," sabi naman ni Greg at inakbayan si Gabriel. Nasa harapan sila ng simbahan nang mga sandaling iyon at ilang sandali na lang ay ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal. "`Buti naman maaga ka ngayon," sabi niya sa kaibigan. "Oo naman. Puwede ba namang ma-late ako sa kasal mo? Ano, dinadaga `yang dibdib mo, `no?" pang-aasar ni Gregory sa ka

