Chapter 25 Always you. Hindi sinasagot ni Gabriel ang tawag ni Jhana, madaling araw na ngunit walang Gabriel na bumalik sa condo kaya naman minabuti ni Jhana na umuwi nalamang. Malungkot na nilibot niya ang mga mata sa unit ng kaniyang nobyo, noon naman hindi sila ganito. Siya nga ba talaga ang problema? Masiyado naba siyang natatake for granted ang kaniyang nobyo? Alam niyang mahal niya si Gabriel at ramdam din niya ang pagmamahal nito sakaniya. Siguro naman ay maaayos nila ang kanilang relasyon. Binuksan niya ang doorknob at nagpasya ng lumabas ng mag notify ang grab apps na nasa baba na ang driver. “Just buy me atleast ten minutes, malapit na ko.” Kanina pa siya tinatawagan nila Peter at Matt pero nakatulog siya gawa ng puyat kakahintay kay Gabriel na inabot na ng madalinga araw ay

