HARRY'S POV: Bumalik ako sa matandang dalaga na iyon. Nasa gate na kami ni Roldan ng maisipan kong bumalik para sana kausapin si Doktora Akira. "Ninong saan ka pupunta?" Tanong pa ni Roldan sa akin. Napangiti ako. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lamang naisipan na bumalik. "Ahm—to apologize," saad ko ng nakangiti. Sumang-ayon naman sa akin si Roldan at ako ay naglakad na pabalik sa matandang masungit na doktora na iyon. Prente lamang akong naglakad ng nakapamulsa palapit sa kanya. She didn't even noticed me. Nakayuko siya at sapo ang kanyang noo. Palapit na ako sa kanya ng mapansin kong nag-angat siya ng kanyang ulo. Naniningkit ang kanyang mata sa akin. Ngitian ko siya, tumawa pa ako ng bahagya saka ako tumikhim bago nagsalita. "I'm sorry Doc Akira. You have a beautiful name ah. A

