Pagkaalis ni Harry patungong Mindanao; nanatili muna ng dalawang araw ang Ina nito sa kanilang bahay bago tumulak pauwi ng Mountain Province. "Kung gaano ka nag-aalala anak, ganoon din ako. Lalo na at ako ang Ina' Phoebe, ito ang gusto ng asawa mo kahit ako diko siya kayang pigilan." Napayakap si Phoebe ng mahigpit sa kanyang biyenan. "Mag-iingat ka sa biyahe Ina. Ikumusta mo na lang kami kina Amma." "Kayo din anak, mag-iingat kayo dito ng apo ko. Tatawag kayo palagi ah' ng hindi ko naman namimiss ng sobra itong mahal kong apo." Muli ay binuhat niya ang apo, hinagkan at niyakap niya ito bago tuluyang sumakay ng bus pauwing probinsya. Paalis na noon ang bus. Nakadungaw naman sa bintana ang matanda at kumakawa-kaway pa noon si Miracle sa kanya. Pagkatahatid nila Phoebe sa kanyang biyena

