"A-a-nong ambush? My goodness, talagang mapapahamak ako sa'yo! Mas mabuti pa na mag-isa na lang sana ako kanina!" Nakayuko habang takip ang kanyang dalawang tainga.
"Pwede ba tumigil ka! Talagang mamatay tayong dalawa dito kapag hindi tumigil 'yang bibig mo doktora!" Kaagad nitong inilabas ang nakasukbit nitong baril sa kanyang beywang.
"I feel safer when I'm alone. Kasalanan mo ito eh!" Nagpakawala siya ng putok, sunod-sunod iyon.
"We're stuck! Kesyo sisihin mo ako diyan, tulungan mo nalang ako. Dahil kung hindi pareho tayong mamamatay dito!" Dumungaw siya ng kaunti sa bintana ng sasakyan at nakita nga niya ang mga grupo ng mg kalalakihan na may hawak ng iba't ibang klase ng baril at patuloy silang pinapaulanan ng bala.
"Who are they?! My gosh, ayaw ko pang mamatay!" Nagsisisigaw nitong sabi.
"Mga rebelde!" muli ay nagpakawala siya ng sunod-sunod na putok. Binuksan niya ang kaha ng sasakyan sa harapan at mula doon ay may inilabas itong isang long fired arms.
"Gosh! Hindi ako dapat sumama sa'yo! Sinisingil kana dahil sa dami narin siguro ng kasalanan mo! God, help me!" Patuloy siya sa pagdarasal, tila ito na ang katapusan nila.
"I don't want to die yet. I don't want to die a virgin, my gosh!" Harry laughed at her, seriously? They were in the middle of a battle—they were about to die but all he could think about was her being a virgin?
"Ibang klaseng babae," naiiling-iling na wika nito sa kanya ngunit ang kanyang atensyon ay nasa mga kalaban.
"Tulungan mo ako, wala na tayong magagawa pa! Mamamatay lang din naman tayo—mamamatay na tayong lumalaban! Saka mo na isipin 'yang virginity mo!" Muli ay wika ni Harry habang hawak nito ang isang long fired arms at patuloy sa pakikibakbakan.
"Kung kaya mong lumabas ng sasakyan, sikapin mo! Magmadali ka!" Utos nitong muli sa kanya.
"Hah?! Ang dami nila, paano ako lalabas? Ayyyy.." muli siyang napayuko at napasigaw.
"Putcha! Sinusubukan ninyo ako? Sige, ibibigay ko ang gusto ninyo.. Agggggg.... Let's rock and roll baby. Bang- bang- bang-bang..." pansin ni Akira na tila masaya pa ito habang nakikipagbakbakan at nakikipagpalitan ng putok sa mga rebelde.
"Is this person serious? He's crazy, we're about to die, he's still happy? This old man is different, he's really a nuts, totally nuts!" She said angrily,
"Whoaw.. Sige paulanan niyo ako ng bala, ahahah.. Hindi ako natatakot sa inyo, kayo dapat ang matakot sa akin! Sige," Tila walang nararamdaman na takot si Harry ng mga sandaling iyon. Nakangiti. Masaya at nag-eenjoy pa.
Nagpatuloy si Harry sa pakikibakbakan. Kahit panay ang paulan sa kanila ng mga bala, hindi siya nagpatinag.
"Col. Diyos ko, ang team. Iyong baby, my gosh!" Dito parang nagising ang diwa ni Akira ng maalala niya kung ano talaga misyon nila at iyon ay ang madala ang bata sa hospital.
"It's now or never, lalaban tayo!" Matigas nitong sabi. Nagtaas ng kanyang kilay si Harry at saka ito ngumiti.
"Iyan ang gusto ko! Oops.. yuko," gamit ang kanyang kanang kamay hinila niya pababa ang ulo ni Akira.
"Buksan mo 'yong box sa harapan mo!" Kaagad naman siyang tumalima. Mabilis niyang binuksan iyon at mula doon ay kinuha niya ang isang 45 caliber pistol.
"Marunong kabang humawak niyan Doktora? Sige iputok mo! Kasado na 'yan." Walang anumang salita at kinalabit ni Akira ang gatilyo ng baril. Mula sa kanang bahagi, nakipagpalitan si Akira ng putok, habang si Harry naman ay sa kaliwang bahagi ng sasakyan.
"Bang!" Unang putok na kanyang pinakawalan sapul ang kalaban. Pangalawang putok niya, sapul na naman ang kalaban.
"Good, ahahah.." natatawang saad ni Harry. Namamangha siya na makita ang galing ni Akira sa pakikibakbakan.
"Kailangan nating makalabas ng sasakyan Doktora. Pilitin mong lumabas!" Yumuko siyang muli at pilit na binubuksan ang pintuan ng sasakyan ngunit hindi niya mabuksan iyon.
Hanggang sa isang ideya ang naisipan niyang gawin. Isang putok ng baril ang kanyang pinakawalan hanggang sa tuluyan ng nabuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Careful! Opss.. Sige gumapang ka!" Buong ingat siyang gumapang pababa ng sasakyan habang todo alalay naman sa kanya si Harry.
Tuluyan na siyang nakalabas ng sasakyan. At ito naman ang pagkakataon ni Harry para siya naman ang lumabas. Hindi na niya alintana ang magaspang na daanan. Gumapang siya hanggang sa marating niya ang madamong parte ng daanan na iyon.
"God, help us!" Patuloy siya sa pagdarasal. She shouldn't let the fear she feels overwhelm her. Her Mama didn't raise her to be a coward.
"Focus on your goal. If you want to defeat the enemy—don't show that you're afraid! You can do it Akira," panay ang kumbinsi niya sa kanyang sarili.
Walang mangyayari kung padadaig siya sa takot na nararamdaman niya. Wala siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya mismo.
Gumapang pababa si Harry. Siya naman ngayon tumulong sa kanya. Mula sa matatayog na damuhan—siya ay nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Tiningnan niyang muli ang mga ito—tila hindi sila nauubos at parang lalo pa silang nadadagdagan.
Puro malalakas na putok ng baril ang tanging maririnig sa kapaligiran.
"We need back-ups! Hindi natin sila kaya," tugon nito kay Harry.
"Kayang-kaya iyan. Ako pa, manood ka doktora." Nagyayabang nitong sabi, dito lalong naiinis si Akira. Nasa bingit na nga sila ng kamatayan nangingibabaw parin ang kayabangan ng sundalong ito.
"Insane!" Tanging nasambit niya. Itinaas niya ang hawak niyang baril, ngunit kahit anong kalabit niya hindi na ito pumuputok pa.
"Wala na akong bala! Anong gagawin natin?" Mula sa kanyang kaliwang beywang may inilabas muli itong isang baril.
"I've prepared for things like this, Doctora. What do you think of me, weakling?" he said, throwing the gun he was holding at her. Inirapan niya ito bago dinampot ang inihagis nitong baril.
"Nakukuha mo pang magyabang, mamamatay kana nga lang!" Muli itong tumawa habang patuloy siya sa pagpapakawala ng putok.
"Sabi ko sa'yo eh, yakang-yaka natin ang mga iyan! Mga salot sa lipunan, ito ang nababagay sa inyo!" Sumigaw ito ng malakas. Hindi siya nagpadaig. Hanggang sa mapansin ni Akira na unti-unti ng nalalagas ang mga kalaban. Sinabayan niya ito. Sunod-sunod din ang ginawa niyang pagpapakawala ng putok.
Mula sa di kalayuan ay may narinig silang sunod-sunod na tunog ng sirena na sa tantiya niya ay mga Pulis. Napahawak siya ng kanyang dibdib.
"God, thanks. Finally may rescue na tayo." Kahit papaano nakaramdam siya ng kaunting pag-asa. Kahit papaano nakahinga siya ng maluwag. Pero hindi sila dapat pakampante.
"The respondents are here." Sabi ni Harry, pansin nila pagkaripas ng ilang mga kalaban palayo sa lugar na iyon.
"Mga duwag! Saan kayo pupunta? Ako ang kailangan ninyo hindi ba? Hoy bumalik kayo!" Tumayo ito ng tuwid sa gitna ng daan habang patuloy siya sa pagpapaputok. Ikinakampay ang hawak na baril. Ngunit wala ng gumaganti sa mga kalaban.
"It's all your fault!" Tumayo si Akira, para lumapit sa kanya. Sakto namang pagdating ng mga Pulis para rumesponde.
Nagpagpag siya ng kanyang suot na damit. Tinanggal niya ang suot niyang white button gown at inayos ang gulong-gulo nitong mahabang buhok.
"You're safe Doktora. I told you—didn't I? You're safer with me," as he laughed a little.
"I never dreamed of dying innocently, Col. I have many dreams in life, and if I were to die, you wouldn't be the one I want to be with!" Sa sobrang inis niya ay naihampas niya ang hawak niyang white gown sa opisyal.
"Oww.." napahawak siya ng kanyang braso na hinampas ni Akira.
"What a beautiful scenery. Witweeww.." sabay hagod niya ng tingin sa kanyang buong katawan.
Kaagad na napadako ang paningin ni Akira sa kanyang harapan. Tanging ang white sleeveless tops ang kanyang suot at kitang-kita na ang kanyang cleavage part.
She tried to cover it with both hands. Harry laughed at what she did.
"Virgin pa nga, hahahah.. Halika kana nga at baka makuha ko ng 'di oras ang kainosentehan mo Doktora," itinaas niya ang kanyang kanang kamay para sana akbayan si Akira pero tinabig niya iyon ng malakas.
"Subukan mo, makakatikim kana talaga sa akin! Nakuha mo man ang first kiss ko—hinding-hindi mo makukuha ang katawan ko. Manigas ka!" Matigas at mataray nitong sabi.
"Walang nakakatanggi sa taglay kong alindog Doktora." Sabay kindat niya dito.
"Charm? Are you sure? Ahahah.. Seriously, an old man like you still has charm?" Mapanukso nitong sabi,
"Namimihasa kana sa katatawag sa akin ng old man ah." Lumapit ito sa kanya, idinikit nito ang kanyang katawan sa kanya.
Napalunok siya. Seryoso siyang tinitigan ni Harry kasabay ng ginawa niyang pagkagat sa kanyang ibabang labi. Binasa niya iyon gamit ang kanyang dila. At dahil doon, hindi maiwasan ni Akira na sunod-sunod na mapalunok.
"You're really testing my patience Doktora." Hindi siya nagpatinag. Nakipagsukatan siya ng tingin dito. Hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha ni Col. sa kanya.
They were so close to each other. They were almost smell each other's breath, but neither of them wanted to look down.
Until Col.'s lips finally came close to hers. She could feel his warm breath—which seemed fragrant to her sense of smell. Until suddenly she just closed her eyes.
Nanatili siyang nakapikit ng ilang segundo ng may marinig siyang tumatawa.
"Hinihintay mo din ano? Ahahah.. Asa kapa Doktora, sabi na bibigay ka din sa karisma ko." mapang-asar nitong sabi.
"This is what you will remember Doktora. No one can refuse someone like me. Anyone—not even you. Ahahah.." and he laughed full of teasing.
Pakiramdam niya lulubog na siya sa kahihiyan ng mga sandaling iyon. Tila namumula narin ang kanyang pisngi habang patuloy siyang inaasar ni Harry.
"Gosh! What have I done? Why did I give in to that arrogant old man?!" She walked shamefully towards the police car and without her wits she quietly got into the car.