"Hindi po ba kayo naaawa sa opisyal na iyon? May pamilya siya Daddy, narinig mo naman si Lieutenant hindi ba? Kawawa naman po ang pamilya niya. Sige na po Dad, drop off the case." Habang sinasabi ni Akira ang mga katagang iyon' ay pasimple siyang tumingin sa direksyon ni Anton na noon ay napansin niyang natatawa ito. Nangunot muli ang noo ni Akira. Ano'ng nakakatawa sa sinabi niya? "Please Daddy," muli ay untag ni Akira sa Ama. "Okay, okay, okay. Are you happy now? Pasalamat kayo dahil mahal ko ang anak ko at hindi ko siya kayang hindian." Mabuti na lamang at gumana ang panlalambing ni Akira sa Ama. "Waste of time!" Tumalikod na sabi ni Kent. "Yes!" Masayang sambit naman ni Anton, naglalakad na noon palabas si Kent ng biglang tumigil ito at bumaling muli kay Anton. "By the way, magki

