"Yeah. It's really good to be in love—it's as good as eating nuts. But it also hurts to love, it's painful—especially when you're inexperienced." Dito pakiramdam niya tumigil sa pagtibok ang puso niya. Nanlaki ang kanyang mga mata pagmulat niya ng marinig nito ang pamilyar na boses na iyon. "You again?!" Napatayo siya ng wala sa oras at napataas ang tono ng kanyang boses na siyang kumuha sa atensyon ng dalawang nurses na kasama niya at iba pang staff ng hospital. Napalunok siya ng sariling laway—at kaagad napagtanto ang kanyang nagawa. "Hindi mo ba ako tatantanan Col.?" Mahina ngunit madiin niyang saad kay Harry saka siya ngumiti ng tabingi at lumingon sa lahat, ngunit sa loob-loob niya nanggigigil na siya sa sundalong ito. "Ehem.. Sige doktora, let your anger out! Hahahah.. Baka nakak

