Alas diyes na ng umaga ngunit mahamog parin ang buong kapaligiran. Nasa labas ng kanilang bahay si Harry ng mga oras na iyon—nagsisibak ng kahoy upang sila ay may magamit sa pagsisiga dahil narin sa lamig ng klima. Anim na buwan na ang nakakalipas simula pumanaw ang kanyang mahal na asawa't anak. Pinili niyang umuwi muna ng Bontoc Mountain Province—habang siya ay naka-bakasyon. Sa anim na buwan na iyon—wala paring kaliwanagan ang kaso ng kanyang mag-ina. "Kuya may bisita ka' may naghahanap sa'yo galing Maynila." Tawag sa kanya ng kanyang nakababatang kapatid na Muller. Marami-rami narin siyang nasisibak na panggatong. Sapat na para may panlaban sila sa lamig ng panahon. Maaga siyang nagising dahil sumama siya sa kanyang Ina at Ama para tulungan silang maibaba ang kanilang mga aning mg

