Isang magandang nilalang ang nakita nilang naglalakad patungo sa direksyon nila. Nakangiti ito sa kanila—masaya para sa kanilang tagumpay. "Gentlemen' congratulations for the job well done! Sargent Fajardo' you did it and your troops." ngumiti ito sa kanila ng pagkatamis- tamis at nakipagkamay pa sa kanilang dalawa upang sila ay batiin para sa kanilang tagumpay. Hindi siya halos makapaniwala na ang dating pinapangarap niyang makita—ngayon ay nasa harapan na niya. Iniabot ng Police woman ang kanyang kanang kamay kay Harry para sana makipagkamay ngunit lutang parin ang isip niya—at tanging sa magandang mukha na lamang siya nito nakatingin. "Bok," pukaw sa kanya ni Duke. Hanggang sa si Duke na lamang ang umabot sa kamay ng police woman para makipagkamay. "I am PFC Duke Ibañez' nice meet

