"Alpha-1, Alpha-1. We've got a situation. I repeat, we've got a situation." mula sa kampo ay nakatanggap sila ng tawag.
"Yes Alpha-2. Alpha-1 is in, come in over."
"We're requesting for Colonel Fajardo. I repeat, Col. Fajardo." Tumakbo ang sundalo palabas at lumapit kay Col. Fajardo na noon ay nakikipag- sparring ng umagang iyon sa isa pang kasamahan nilang sundalo.
"Hindi ka parin nagbabago buddy, magaling ka parin pagdating sa kick boxing. Whoaw.. Ang hirap mong talunin ah," wika ni First Lieutenant Anton Rosales, na noon pa man sanggang-dikit na niya sa anumang bagay.
Si Anton na nakasama niya sa loob ng Philippine Military Academy na kapatid na halos kung ituring nila ang isa't -isa.
Pagkatapos nilang makapagtapos noon sa Philippine Military Academy ay muli niya itong nakasama sa training center kung saan siya nagsanay bilang isang Scout Ranger sa Camp Pablo Tecson sa San Miguel Bulacan.
Tagaktak na ang pawis nila ng umagang iyon. Bukod sa karate isa ang kick boxing sa pampalipas oras nilang magkakaibigan lalong- lalo na si Anton.
"Whoaw.. Kilala mo ako buddy, malakas pa ito sa kalabaw. Ahahah.. Hindi mo ako matatalo, iyahhh.." patuloy siyang nakikipagbuno kay Anton.
Nasa loob pa lamang sila ng akademya ay nakitaan na siya galing sa pakikipaglaban. Bukod sa galing niyang humawak ng baril o kahit anumang klase ng armas masasabi niyang—walang makakatalo sa kanya pagdating sa mix martial arts.
Nasa ganoong pagsasanay sila ni Anton ng bigla ay may isang sundalong lumapit sa kanila.
"Colonel, Alpha-2 is requesting for you." Sumaludo muna ang sundalo kay Col. bago nito iniabot ang dala nitong radyo.
"Col. Fajardo? I repeat—Col. Fajardo, we need you here ASAP." Napapailing naman ang Col. na kinuha ang radyo.
"Alpha-2 come in, over."
"We've got a situation. A hostage taking situation Colonel, over."
"Saan ito?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"Sitio Manangis kung saan isinasagawa ang medical mission' over." nagtangis ang kanyang bagang.
"Kayo po ang kailangan ng hostage taker Col. over,"
"God damn it! Sa dami niyong nakadeploy diyan—bakit kayo nalusutan?!" galit na wika niya.
"Col. delikado po, isang Doktor po ang hawak ng hostage taker. Kayo po ang gustong maka-negotiate ng suspect, over." Napapailing ang Col. na ibinaba ang radyo.
Malapit lamang ang Sitio Manangis mula sa kampo ng mga militar. Mga sampong minuto mararating mula dito ang naturang Sitio. Kaagad niyang tinungo ang lugar kung saan nangyayari ang hostage taking. Mula sa isang liblib na lugar ang Sitio Manangis sa bayan ng Baggao' probinsya ng Cagayan.
Kilala ang lugar na maraming mga pagala-galang mga makakaliwang grupo—o sa maikling salita ay mga rebelde. Nagpadeploy siya ng kanyang mga tauhan para panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa lugar kung saan isinasagawa ang medical and dental mission ng isang kilalang kumpanya mula Maynila.
Mag-isang dumating ang opisyal sakay ng kanyang Bravado Bison pick-up truck at kaagad itong bumaba.
"Ilabas niyo si Col. Fajardo! Siya lang ang gusto kong makausap at hindi kayo—dahil kung hindi papasabugin ko ang bao ng doktorang ito!" Isang lalake na sa tantiya niya ay nasa edad kwarenta ang may hawak-hawak ng isang 9MM pistol at nakatutok ito sa ulo ng isang babaeng doktor.
"Kumusta ang sitwasyon?" kaagad na tanong ni Col. sa isang sundalong nilapitan niya.
"Sir—" sumaludo muna sa kanya ang sundalo pagkakita sa kanya.
"Carry on, isang rebelde ba 'yan?"
"No Sir—isang magsasaka ang suspect. Tinanggihan daw ng hospital ang anak niyang may sakit dahil wala daw siyang pang down." napakunot ang noo niya.
"Putcha!" Napapatiim bagang niyang sabi, siya ay unti-unting lumapit sa dalawa.
"Nandito na ako! Ano'ng kailangan mo?" Sigaw ni Colonel Fajardo, prente itong naglakad palapit sa dalawa.
"Mabuti naman at dumating ka Col. dahil kung hindi, sabog ang bungo ng doktor na ito!" Lalo pa nitong idiniin ang hawak nitong pistol sa ulo ng doktora.
Pinakatitigan niyang mabuti ang suspect. Batay sa nakikita niya' hindi marunong humawak ng baril ang hostage taker. Hanggang sa siya ay nagsalitang muli.
"Go! Sige iputok mo! Tsk.. Ang dami mo pang satsat, gawin mo na!" Napatigil ang hostage taker, napatunganga ito— pati ang babaeng doktor ay gayun din.
"Te-teka! Ano ito? Ba-bakit wala kang pakialam sa a-akin?!" Nanginginig man ay pilit niyang nilalabanan iyon. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.
She was in the middle of danger. She needed to calm down, she had no one to rely on but only herself.
"Akira, you can do it.. just calm down." Bulong niya sa kanyang sarili. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at matigas ang boses na nagsalita ito.
"Col. Fajardo right?" Matigas ang tono na tanong ng doktora sa kanya.
"Ahuh?" Tumawa naman ng tabingi ang opisyal.
"Walang kang modo, walang puso!" naiinis na wika ni Akira.
"Pakialam ko ba sa'yo? Kaano-ano ba kita para iligtas ko? Sige iputok mo! Ahahah.. Akala mo matatakot mo ako sa paganyan-ganyan mo! Iputok mo na ano ba?!" Pagpapatuloy pa ng opisyal at akmang tatalikod na ito.
Hindi na bago sa kanya ang ganitong mga klase ng scenario. Sa tagal na niya sa serbisyo marami na siyang napagdaanan at madami ng mas malala pa kaysa dito. Hindi naman nagpatinag ang doktora.
Naningkit ang kanyang mga mata. Nagngangalit. Nag-aapoy dahil sa sobrang inis at galit niya sa mayabang na sundalong ito.
"Wala kang silbi! Naturingang opisyal. Naturingang tagapagtanggol ng bayan—but look what you're doing?! You're nuts Col. Fajardo! Argggg.." out of annoyance she shouted at him.
"Hoy doktora, para sabihin ko sa'yo wala akong pakialam kahit pa pasabugin ng taong 'yan ang ulo mo! Heheh.. Do I really care, hmm?" Mayabang—iyon ang tingin ng doktora kay Col. Fajardo. Ngunit lingid sa kaalaman ni Akira isang taktika lamang ito ng opisyal para lituhin ang naturang suspek.
"The arrogance! You're crazy, baliw na sundalo!" Nagsasagutan ang dalawa, at ganoon na lamang makatitig sa kanila ang hostage taker. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa dalawa at naguguluhan na.
"Huwag mo akong maing-english ha doktora, nuts daw? Naiintindihan ko iyon baka akala mo! Asus," ngumiti ito tabingi.
"You're really a nuts you know?" Mataray na wika ng doktor.
"Hoy doktora, mahilig akong kumain ng mani baka akala mo! Baka gusto eh pati 'yong mani na tinatago mo kainin ko? Ahahah.." Pigil ni Akira ang kanyang sarili. Talagang nakakapanggigil ang kayabangan ng sundalong ito.
Salubong ang kilay na pinakatitigan niya ang opisyal. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa kayabangan ng sundalo na ito. Bukod sa bastos na nga mayabang pa.
"Bastos! Anong mani? Wala kang galang sa babae, bastos!" Malakas na sigaw ni Akira sa opisyal kasabay ng pagpilipit nito sa isang kamay ng suspect na nasa kanyang leeg. Sinamantala iyon ni Akira habang nalilito ang suspect sa pagtatalo nilang dalawa. Pagkatanggal nito sa kamay ng suspect siya ay dumausdos pababa.
"Iyahhh.." umikot muli ito kasabay ng pagtukod niya sa kanyang tuhod sa harapang bahagi ng suspect.
"Agggg..." sumigaw ang suspect. Napapadaing na hinawakan ang kanyang gitnang bahagi.
Walang ibang ginawa si Col. kundi ang masayang panoorin ang doktor habang nakikipagbuno sa nasabing suspect. Namamangha tuloy siya na makita ang galing at kakayahan ng isang babaeng doktor na ito pagdating sa pakikipaglaban.
Pumapalakpak pa ito. Ilang beses pa at tuwang-tuwa pa ito kay Akira.
"Very good Doktora. Ganyan nga, sige pa! Tadyakan mo! Ahahah.. Very good," Hawak ng suspect ang kanyang nasaktang ari. Namimilipit ito ngayon sa sakit kaya sinamantala ulit iyon ni Akira para ito ay muling mapatumba.
"Whoahh.." habol ang kanyang hininga, panay ang buga niya sa hangin.
"Pinagod mo pa ako ah, whoaw.." bagsak ang kalaban. Pinagpag ang kanyang dalawang kamay, napabuga sa hangin at taas noo itong naglakad palapit sa opisyal.
"Now arrest him!" Utos pa niya dito.
"Ano pa'ng hinihintay niyo—men, move and arrest that rebellious person! Arrest him daw, hahah.. Narinig niyo ba si doktora?" Utos naman ng opisyal sa mga kasamahan niyang sundalo. Isa-isang nagsilapitan ang mga sundalo para arestuhin ang nasabing suspect.
"Tatawag-tawag kayo ng tulong, kesyo ganito—kesyo ganyan eh kaya mo naman pala ang sarili mo!" Tumingin ng diretso si Akira, taas ang noo, taas ang kilay.
"Ano'ng akala mo sa akin, porke't babae ako wala akong kakayahan na protektahan ang sarili ko? Hoy mayabang na—na sundalong gurang, hindi mo bagay magsuot ng unipormeng 'yan." Taas noo nitong sabi,
"A-a-nong sabi mo? Pakiulit mo nga doktora?" Naniningkit ang mga mata nitong nilapitan si Akira.
"Signs of aging, being deaf! Gurang ka na nga!" Mataray nitong sabi, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kung ganito kayabang ang makakaharap mo?
Prenteng naglakad ang opisyal palapit kay Akira habang himas niya ang kanyang baba. Nakangiti pa ito ng tabingi sa kanya.
"Hindi ako bingi Doktora ah! Alam ko ang narinig ko eh—malinaw na malinaw pa sa pandinig ko' kasing linaw nitong kagwapuhan ko." He said boastfully.
"Blah..blah..blah.. Ang yabang nga," Akira spoke in a irritated tone as he gestured with her finger and at the same time rolling her eyes on him.
"Pakiulit nga ng sinabi mo kanina?" Palapit na ng palapit sa kanya ang opisyal hanggang sa tuluyan ng magdikit ang kanilang mga katawan. Hindi nagpatinag si Akira—nakapameywang ito taas noo niya itong tinitigan mata sa mata si Col.
"Alin doon ang gusto mong ulitin ko Col. na mayabang ka o iyong—gurang? Ahahah.. sabi mo nga hindi ka bingi hindi ba?" Nakikipagsukatan ito ng tingin sa opisyal, tabingi naman itong ngumiti muli sa kanya.
"Tsk.. Matapang ka ah—ngayon ipapakita ko sa'yo ang kakayahan ng isang gurang na sinasabi mo," bigla niyang kinabig ang beywang ni Akira palapit sa kanya.
Walang anu-ano'y sinunggaban niya ang mapupulang labi ng doktora. Hindi inaasahan iyon ni Akira kaya naman laking gulat niya ng maramdaman niyang lumapat ang labi ni Col. Harry sa kanyang mga inosente pang labi.