Tawang-tawa si Akira na nasundan ng tingin si Harry na noon ay nahihirapang maglakad para sundan ang batang si Adrian. "Ahahah.. Matapang pala ah, yabang! Yan ang bagay sayo!" Natatawang saad niya. Pati si Sophie na noon ay natatawa narin na lumapit sa kanya. "Doc, anong ginawa mo kay Colonel? Bakit iika-ika siyang maglakad?" Tanong pa ni Sophie sa kanya ng mapansin din niyang nasa ganoong ayos si Colonel na lumabas galing sa loob ng tent. "He deserves it! Hay naku Sophie, ayaw ko sa mga kagaya niyang mayabang. But look, hahahah.. Buti nga sa kanya," kunot ang noo ni Sophie sabay ng mga ngiting pilya. "Seryoso Doc—huwag mong sabihin na tinuli mo din siya ah?" dito lalo siyang natawa, lalo ng maalala niya ang matigas na bagay na iyon na nahawakan niya kanina. "Doc, malaki ba? Nakita mo

