"Yumi. Yumi Jean! Yumi." malakas na sigaw ni Cloud sa labas ng gate ng dating bahay nila Yumi. After 1 week na hindi s'ya kinikibo at pinapansin ni Yumi. Tinitiis na lang n'ya dahil nga may atraso s'ya sa mga ito, handa s'yang mag tiis hanggang sa mapatawad s'ya ni Yumi. Basta importante araw-araw n'ya itong nakikita at nakakasama ang mga ito. Hindi na din s'yang pumasok sa trabaho dahil sa takot na baka sa pag-uwi n'ya wala na ang mga ito kaya naman bantay sarado n'ya ang mag-ina n'ya. Ngunit kanina lang umalis s'ya dahil pinatawag s'ya ng ama at binigyan na s'ya ng ultimatum na kapag hindi pa s'ya bumalik sa trabaho mag hanap na daw s'ya ng company na mapapasukan n'ya. Pag-uwi n'ya sa bahay nila sinabi ng mga guard n'ya na umalis na daw ang mag-iina dun na daw titira ang mga ito sa datin

