"Anong ginagawa mo dito labas." sigaw ni Cleo sa anak ng makita itong papasok sa bahay nila ang panganay. Hindi na nila natapos ang company anniversary, si Skyler naman napilitan na maiwan sa kumpanya para asikasuhin ang event dahil sa gulong iniwan ni Cloud na basta na lang tinangay si Yumi. Maga ang mukha ni Cloud dahil sa pakikipag suntukan nito sa anak ng isang client nila pero wala s'yang nararamdaman na awa para sa anak parang gusto pa nga n'ya itong lapitan at dagdagan pa ang pag ka lamog ng mukha nito. "Nay please." "Labas sabi." malakas na sigaw ni Cleo na sa sobrang lakas ay nabulabog ang lahat ng anak na nasa kanya-kanyang kuwarto na nag labasan. "Nay, alam kong may mali ako pero please naman hayaan n'yo munang itama ko." gigil naman na bumaba ng hagdan si Cleo para lapitan

