"Ano? Hindi puwede, anong akala mo sa pamamahay ko bahay ampunan?" bulalas ni Cleo. "Paki-usap po hindi lang po ako ang may deeath threat kahit po si Cloud at si Yumi." ani Camille na inabot kay Cleo ang papel na may picture na 4 na mukha na kinuha naman ni Skyler ng makilala ang isang mukha. "Anak ni Mylene to." turo ni Skyler sa isang lalaki sa asawa. "Mylene who?" tanong naman ni Cleo na napatingin sa asawa saka sabay taas ng kilay ng maalala kung sinong Mylene na muling tiningnan ang larawan. "Paano mo nakilala si Andrew?" tanong naman ni Cleo kay Camille. "Kilala n'yo po ang brother-in-law ko?" tumaas ang kilay muli ni Cleo. "Paano mo naging brother-in-law si Andrew." sinabi naman ni Camille habang tahimik naman na nakikinig si Skyler at Cleo. "Paano s'ya nasama sa death threat

