"Kumusta si Yumi." ani Cleo na hinihingal pa ng lapitan ang anak na panganay na namumula ang mga mata na halatang galing sa pag-iyak. "Nay." mabilis na tumayo si Cloud mula sa pag kaka-upo sa sahig at yumakap kay Cleo saka umiyak. Tinapik naman ni Skyler ang likod ng anak. "How is she ang baby n'yo." "Hindi pa sila na labas nag emergency CS po sila para ilabas ang baby namin ni Yumi. Natatakot ako Nay paano kung hindi kayanin ng anak namin kulang pa s'ya sa buwan hindi pa dapat s'ya lalabas." ani Cloud habang na hikbi. "I heard the news malamang dinamdam ng husto ni Yumi ang inakala n'yang ikaw ang nakuhang bangkay sa Batangas kaya siguro sumugod s'ya rito agad." "Hindi kasi nasagot sa tawag itong si Cloud kung sumagot sana s'ya hindi sana nangyari ito." wika ni Carding na naiyak din

