CHAPTER 34

1809 Words

"ANO'NG BALAK MO?" Napatigil sa pag-iimpake si Krisstine dahil sa tanong na iyon ni Yayo. Bakas na bakas ang pag-aalala sa tinig ng kanyang kaibigan at assistant habang pinapanood ang ginagawa niyang pagaalsa-balutan. Dumako ang tingin niya kay Rocky na noo'y nananatili pa ring tahimik simula noong sinabi niyang titigil na siya sa pag-aartista. Her decision was a shocker for him. Biglaan kasi ang pagsasabi niya rito. At noong nai-announce na nga sa telebisyon ang pagreretiro niya ay hindi nito matanggap ang naging pasya niya. Of course, she would take care of all her contracts. Hindi niya iiwanan ng problema si Rocky. She would pay every contract she would breach. Wala siyang pakialam kung mamulubi man siya. Tutal, kahit paano ay may savings naman siya mula sa mga kinita niya sa showbiz.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD