ANNAH: The Last Titanian Chapter 34 It is a bright morning at ngayon namin naisipan na ipagpatuloy ang paglalakbay. We stayed for another day sa bahay na naiwan nina Van at Helga just to cool my head down. But in the end ay na-realize kong walang magagawa ang pagkukulong at ang pagmumukmok ko para ma-solusyonan ang lahat ng iniisip ko. Ang dapat kong gawin ay ang hanapin ang natitirang tatlong esylium para matapos na ang lahat ng ito. The more na may nahahanap akong bagong esylium, the more na nakakaalala ako, ay the more na nadadagdagan ang misteryo ng pagkatao ko at ng mga tao na nasa paligid ko. Nasa labas na kami ngayon ng bahay nina Van at naghahanda na sa paglalakbay. Hinahaplos ko ang buhok ng kabayong sasakyan ko nang dumating ang boses na iyon. "Beh..." Napalingon naman a

