ANNAH: The Last Titanian Chapter 35 We continue to advance forward on that day. Hindi katulad ng mga nakalipas na araw ay medyo maganda na ang panahon ngayon. Sumisikat na ang araw at nakikita ko ang pagtama ng sinag nito sa puting desyerto ng snow na nilalakbay namin. At ngayon, as usual, ay nasa iisang kabayo na naman kami ni Alex. But unlike before, ay hindi ko na kailangang isuot ang hood ng coat na suot ko. Hindi narin ako nakakaramdam ng lamig. Raven said that it is normal. Lalo pa na't sa bawat esylium na natatagpuan ko ay unti-unti akong bumabalik sa dating ako. Sa dating katauhan ko. But the truth is...natatakot ako. Simula nang malaman ko na may bloodmate na ako ay doon ko naramdaman ang takot. Ang takot kung sa kung ano man ang susunod na ipapaalala sa akin ng es

