Nawalan siya ng gana kumain kaya naman ay halos hindi niya ginalaw ang pagkain na in-order sa kaniya ng binata. Paano siya gaganahan kung ang kasama niya ay parang natutulala na. He looks so affected meeting his ex again. "I'm going home now," ani niya at tumayo. Ayaw niyang pilitin ang sarili na kumain dahil wala na siyang gana. "Ihahatid na kita—" "No. May dala akong sasakyan kaya huwag mo na ako sundan." Kinuha niya ang bag niya at tinalikuran ito. Gusto niyang bumalik para sapakin ito nang hindi talaga siya nito sinundan. Mainit na mainit ang ulo niya habang naglalakad palabas ng mall. Dumeretso siya ng parking lot pero nakita na naman niya ang ex ni Shawn. Katapat lang pala ng kotse niya ang kotse nito. "So you're his new girlfriend? Tumino na ba at naka get over sa

