Dahil wala siyang magawa ngayong araw ay napag desisyonan niyang mag mall na lang. Pahinga muna siya sa pagsusulat dahil literal na wala siya sa mood. Wala siya sa mood ilang araw na. Deserve na rin naman niya magliwaliw mag-isa. Dahil ayaw niyang ma-istorbo ay nag sumbrero siya. Marami kasing lumalapit sa kaniya na mga fans at nagpapapirma, pero sa ngayon gusto niya lang muna mag enjoy. Ewan niya ba, gusto niya muna na peaceful ang paligid. Sinuot niya rin ang regalong shades ni Jayden galing sa isang sikat na brand. Nagkaayos na sila ni Jayden dahil nakipag-usap ito. Naiintindihan naman niya ang galit nito. Nilagay niya ang sarili sa posisyon nito, maski siya rin ay masasaktan pag nakita niyang may kasamang iba ang gusto niyang tao. Jayden is a really good friend of her.

