Nakatutok siya sa kaniyang computer habang tinitignan ang mga files na kailangan niya i-double check para mapirmahan na. Marami rin siyang naiwan na trabaho dahil iba ang inatupag niya. He's prioritizing Yeonjin project first. Wala namang problema sa TOP Entertainment at sa iba niya pang business. May ongoing renovation lang siya sa isa niyang hotel kaya medyo busy siya. "Sir may—" "Ano ba! Sabing kilala nga ako ni Shawn eh!" Tinaas niya ang tingin niya at nakita niya na naman ang babaeng hindi niya matandaan. Hindi siya magaling tumanda ng mga naka-fling niya. "Hi babe! I told them I know you, pero hinaharang pa rin nila ako!" Wency? Wency is her name I think. Natandaan niya lang ang pangalan dahil ito ang babaeng nagpakilala sa kaniya noong kasama niya si Yeonjin. "Do

