Title: Marry Me, Carlos Miguel Genre: Romance Author: Miss_Choi Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating na si Carlos Miguel at ang dalaga sa papengke. Bumaba agad si Hanica sa motor dala ang isang basket na lalagyanan bibilhin sa palengke. Habang si Carlos Miguel naman naksunod lamang sa dalaga. "Akin na iyang dala mo," saad ng binata at inagaw ito na hawak ng dalaga. Hinayaan na lamang iyon ni Hanica at nagpatuloy na naglalakad sa loob ng palengke. Mayamaya pa ay nakarating sila sa bilihan ng mga isda at karne. "Oy, suki ikaw pala 'yan. Hindi kita agad namukhaan dahil sa guwapong lalaki na kasama mo. Iyan ba ang jowa mo? Ito fresh kararating lang three hundred isang kilo," saad ng nagtitinda kay Hanica. Napangiti naman si Carlos Miguel dahil sa sinaad ng binata a

