Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance HAPON na noong nakauwi sila Hanica galing ng hospital. "Ano nga palang plano mo?" tanong ni Jun sa dalaga. "Dahil nakapanganak na ako. Gusto kong magtrabaho muli sa kumpanya para sa kinabukasa ng anak ko," sagot ni Hanica. "Paano ang anak mo?" tanong muli ng binata. "May pakiusap sana ako. Pwede bang manatili pa kami rito. Ayaw ko sanang may makaalam na may anak ako," pakiusap ng dalaga. "Oo naman, kung gusto mo dito na kayo tumira forever. Kaso lang bakit ayaw mong malaman nila na may anak ka?" nagtatakang tanong naman ni Jun. "Ayoko kasi na magkita sila ng ama n'ya. Natatakot ako na kapag dumating ang araw na magkita sila. Hindi ko na maitago at gumulo ang buhay ng anak ko. Ayoko na dumating ang araw na masa

