Malalipas ang halos dalawang oras ay nakarating na sila Hanica at Carlos Miguel sa kanilang pupuntahan. Nakita sila agad ni Manang dahil nasa labas ito ng bahay at agad niyang sinalubong ang mga ito. "Hanica, masayang bati ni Manang at nilapitan ang mga ito. "Magandang hapon po," bati naman ni Carlos Miguel nang tinanggal nito ang kanyang Helmet. "Ca-Carlos Miguel! Ikaw ba iyan?" gulat at hindi maipaliwanag na tanong ni Manang sa binata. "Ako nga po, wala ng iba," sagot ng binata na may ngiti sa labi at nagmano sa Ginang. "Mabuti pa, kumain na tayo. Alam ko napagod kayo," saad ni Manang. "Tita, Hanica," masayang bati ng apo ni Manang sa dalaga at tumakbo sa dalaga. Agad namang niyakap 'yon ni Hanica at binuha nang makita ito. "Namiss po kita sobra," wika ng bata at yumakap ito sa

