Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Habang naghihintay ang dalaga at si Carlos Miguel ay tumawag ang binata sa dati nitong katrabaho na si Lordes. "Yes hello, good morning!" masayang wika ni Lordes sa kabilang linya. "Hi, Lordes Kumusta ka? Kumusta ang kumpanya?" sunod-sunod na tanong nito. Nagtakang si Lordes dahil pamilyar ang boses nito. 'Kung tama ako ng hinala si si--" "Ikaw po ba 'yan, Sir Carlos Miguel?' hindi napigilang tanong ni Lordes. "Oko nga, wala ng iba. May contact ka ba kay Hanica? Nagparamdam na ba siya ulit? O nagpakita sa kumpanya?" mga sunod-sunod na tanong ng binata. "Ay, Sir. Hinahanap nga rin po ni sir Winston. At nag-aalala na kami. Sana nga po bumalik na siya kasi kailngan na kailangan na rin po s'ya ng kumpanya," sagot ni

