Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Palabas na sana ng pintuan si Diane nang magsalita ang binata. Dahil naisip nito ang bata sa sinapupunann at gabi na noon. "Diane, dumito ka na muna," wika na lamang ni Carlos Miguel sa pag-aalala. Tinawid ng dalaga ang pagitan nila ng binata at niyakap n'ya ito ng mahigpit. Habang may paluha-luha pa. "Salamat, Carlos Miguel. Alam ko na hindi mo talaga ako matitiis," saad nito na nagtagumpay sa kanyang plano. Humiwalay naman agad ang binata sa pagkakayakap nito sa kanya. "I think dapat magpahinga ka na baka mapaano pa ang baby mo. Saglit lang kumain ka na ba?" tanong nito. "Am, Oo kumain na ako," sagot agad ni Diane. "Kumain ka ulit sabayan mo ako," saad ni Carlos Miguel. "Sige," wika naman ni Diane na may ng

