CHAPTER 2: #NapagalitanSiJunie

319 Words
AUTHORS NOTE: Napakilala ko na sa inyo ng pahapyaw si junie, at nalaman na ninyong isa siyang "special child" lalim kung mag-issp noh? hehe opo ganun po siya. at eto na nga po ang karugtong ng kwento, enjoy! dedicated to: @cold_deee@InaroLove @Ai_Tenshi at FireworksShadow CHAPTER 2: #NapagalitanSiJunie SIMON PINEDA as Junie. Sir Randy's POV Biyernes na, uuwi na sana ako eh! uuwi na! nang tambahakn ako ng paper works! as in! forms, class recorrs, grading sheet, summary sheet na s**t! deadline na kasi, huhuhu, tapos eto pang si junie, dumagdag pa sa problema ko, tong bata talaga na to! naku... matitiris ko na to eh! (kutong lupa lang ang peg!) ba'y mantakin mong sumagot sagot ba naman ng so deep, so deep nyang karunungan sa mga teachers niya, eh di ako ang nagpagsabihan nila! kasi ako ang adviser, kaya nung kaunti na lang ang ginagawa ko, kinausap ko siya noon, nang masinsinan. 7:00pm sa classroom ni sir randy: "Junie, halika nga rito," sabi ko "mag-usap tayo." in a calm way. lumapit sa akin ang bata na nakaupo sa 2nd row at busy sa pag-drawdrawing sa notebook niya. "ano po yun titser?."-medyo kabadong tanung ng bata. "ano na namang ginawa mo sa klase ni mrs. cruz kanina?"-sabi ko, kalmado pa rin. "hmm.. sumagot lang po sa recitation sa sibika po."-sabi niya. "hmm, ok, ano namang sinagot mo sa recitation ni mrs. cruz?"-sabi ko. "hmm yung tungkol po sa magandang tanawin, yung neverland po o agarthra... yun po yung maganda po para sa akin..."-sabi niya. -napahilamos ako ng mukha, napatanggal ng isang butones ng polo, dahil pakiramdam ko, kumukulo na ako ng dugo sa kanya... "Junie, (sa kalmadong boses) ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang neverland, at walang agarthra."-sabi ko. "pero... meron po talaga..napun- di ko na siya pinatapos ng sasabihin niya dahil alam kong imagination lang yun ng bata. "junie, next time, gusto ko, mag pokus ka sa pag-aaral, ayokong makakarinig o malalaman ko sa mga titser mo ang tungkol sa mga lugar na yan, kung totoo man yan! maliwanag?"-medyo mataas ko nang boses. inulit ko yung huling salitang nasabi ko sa mataas na boses: "maliwanag ba!" "o..opo teacher."-sagot ni junie na nakayuko at mukhang maiiyak na. "akin na nga yang notebook mo, ano tong mga pinagdrodrowing mo?" tinignan ko isa-isa yung mga drowing , drowing ng mga burol, kagubatan, kaharian, at... mga engkantado at engkantada! tinanung ko siya: "eto ba ang tinuturo ko sayo? o ng mga guro mo?" sumagot siya:"hindi po.." sabi ko:"eh bat ka nang drodrowing ng ganito???"(tumaas na naman ang bose ko) sabi niya:"eh kasi po... teacher... sabi ni kuya pete eh.." -napanganga ako sa sinabi niya, para bagang nag engkanto siya o ewan! basta! kailangan ko siyang pigilan... "uli-uli, ayokong nakikipag-usap ka sa ibang tao, lalo na yung hindi mo kakilala junie, baka mamaya may masama silang gawin sa'yo."-sabi ko "hindi naman po silang masamang tao, titser.."-sabi nila. "hala yan ang akala mo! sige! pairalin mo yang katigasan ng ulo mo!."-sabi ko. -at dun nang nagsimulang umiyak si junie at tumakbo palabas ng classroom, hinayaan ko lang, iniisip ko baka magpapahangin lang yun sa covered court. 9:00 pm, sa classroom ni sir randy: "lumabas na ako ng classroom, after kong mailigpit ang laptop at mga grading sheet/ class records ko, hinanap ko muna si junie sa labas. "junie, junie asan ka?"-sabi ko ng paulit-ulit, napagod akong kakahanap sa covered court at stage, wala, maghahanap sana ako sa mga classrooms kaso natatakot ako, wala nang ilaw!, sa vegetable at flower garden, wala, dun ko siya natagpuan sa tapat ng butas ng sinkhole na nabukas ang takip na yero nito dulot ng ginagawang construction ng new school building ng grade7.nakatulala sa sinkhole, haynaku talaga tong batang to! "junie, halika na, umuwi na tayo."-hawak ko siya sa braso niya. "ayoko po, titser!"-sabi niya "sabi nang uuwi na tayo eh!"-medyo pagalit ko nang sabi. -pilit na nagpupumiglas yung bata, at nangyari ang di inaasahan, nadulas siya sa sinkhole! at nadala ako dahil nahatak niya ako doon! -ITUTULOY. AUTHOR'S NOTE: ok na po ba guys? sabaw pa ba? o ok nang ulam hehehe. sa next chapter na po magaganap ang paghaharap nila sir randy at pete! kaya vote, comment at ilagay nyo na p[o ito sa library nyo, maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa! hanggang sa susunod na update! mwah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD