"Ang rami mo naman ata dala?" "Gamit ito ni Elmo, yung mga iuuwi daw niya mamaya sa Northville..." Paliwanag ni Julie habang inaayos ang backpack ni Elmo. Tumaas ang kilay ni Maqui. "Parang asawa lang ang peg ah..." "Para di na kami bumalik dito sa bahay pag-pauwi mamayang gabi." Julie explained. "Ikaw ba? Di ka muna uuwi?" Maqui shook her head. "Di muna bes, may aayusin ako mamaya for work eh. Malapit na din midterms ng mga bata kaya inaayos ko mga exams nila." "Naks, professor Maqui." Nangaasar na ngiti ni Julie habang zini-zip-up ang bag ni Elmo. "Ano kaya react ng mga bata kung alam lang nila na sira-ulo pala ang professor nila." Humahagikhik na umiwas si Julie nang akmang hahamapasin siya ng unan ni Maqui. "Mamaya ka sa akin San Jose, kapag ako talaga nakahanap ng comeback para

