Inihanda ni Julie ang mga kagamitan sa kusina ng mga Magalona. Kaso bahagya siyang natitigilan lalo na at nakaupo sa harap niya si Elmo at pinapanuod siya. "Ano ba, diyan ka lang ba talaga?" Sabi ni Julie sa lalaki. "Go watch tv or something..." Ngumisi lang si Elmo habang nakapatong ang mga braso sa counter. "Why would I watch tv when I can watch you." Sinimangutan lang ni Julie ang lalaki at pinagpatuloy ang ginagawa. Ito na nga at ginagawa niya ang request sa kanya ni Ate Maxx na magbake siya ng cake. Fully stocked naman kasi ang pantry ng mga Magalona at binigyan siya ni Ate Maxx ng liberty para gamitin kahit anong kailangan niya. Ito naman ay bumalik muna ng tulog para daw makapagpahinga bago magsimula ang handaan mamaya. At ito namang si Elmo ay hindi siya iniwanan at piniling ma

