
Si Diana ay isang typical at outstanding na employee. Para sa kanya, ang buhay niya ay umiikot lamang sa trabaho at bahay at nag-eenjoy naman siya sa pagiging single. Nagbago lamang ito ng dumating sa kanilang opisina ang bago nilang Head Accountant. Si Pierre. Unang kita niya pa lamang rito ay hindi na niya maiwasan ang mapahanga dahil sa angkin nitong kagwapuhan, kagisigan at talino. Pero hindi lamang siya ang nabighani rito kundi ang halos lahat ng kadalagahan sa kanilang kumpanya. Dahil alam naman niya sa sarili na hindi siya ka-level ni Pierre ay itinago niya ang paghanga dito.
Pero tila may ibang plano na inilaan ang tadhana para sa kanilang dalawa.
Sa isang pagkakataon. Isang gabi. Hindi sadya at hindi rin inaasahan. Ipinadama sa kanya ni Pierre ang mga damdaming hindi niya akalaing mararanasan at nais madama.
Pinilit na pigilan ni Diana ang lalong tumitinding dadamdamin pero ito mismo ang lumalapit sa kanya at hindi niya mapigilan ang pagnanasang nararamdaman na alam niyang nadarama din ng binata para sa kanya. Mali man para sa kanya ay nagkaroon sila ng sikretong relasyon na walang label at kasiguruhan.
Hanggang dumating ang araw na handa na sana siyang aminin kay Pierre ang tunay niyang nararamdaman ay bigla naman itong nawala.
Naglaho itong parang bula. Nang walang paalam at walang paramdam.
Labis ang sakit at hirap ang nadama ni Diana dahil sa nangyari. Inakala niyang hindi na siya makaka-move on.
Lumipas ang ilang buwan.
She's now ready to move on at kalimutan ang lahat kaya lang ay biglang bumalik sa buhay niya si Pierre.
With all the twisted revelations that will change her life forever.
