Kris POV Pag gising ko bumungad sa akin ang umiiyak na si Evan. Ilang oras ba akong walang malay? Nang sulyapan ko ang lugar na iyon ay hindi ako magkakamaling nasa ospital na naman ako dahil ramdam ko na naman ang karayom na nakaukit sa ibabaw ng kamay ko. Mabigat rin ang daloy ng hangin sa ilong ko dahil sa maliit na tubong nakapasok rito. Hindi ko pa naman pinangarap na maging suki ako ng isang establisyemento kung saan nakaratay palagi sa higaan ang mga kliyente--ospital. "Kris," mahinahong wika nito. Ngumiti ako. Masaya ako dahil walang masamang nangyari sa kaniya. He had saved me many times kaya naman isang napakalaking bagay na ako naman ang nagligtas sa buhay niya. Ito pala ang pakiramdam ng nakatulong ka at binuwis mo ang buhay mo para sa isang tao. I feel so light. Sobrang ga

