Chapter 53 Evan's POV "Kris...kris...wake up!" Niyugyog ko siya dahil nawalan na siya ng malay. "Kris...stay with me. Okay? Kris please huwag kang matutulog...please!" natataranta kong pakiusap sa kaniya. Sumara ang talukap ng mga mata niya dahilan upang umiyak na ako. Tumatakbo namang tinungo ako ni Sheen at Kenji na kasama pala niya. Nagpupuyos ako sa galit nang titigan ko si Oliver. Para itong nahimasmasan nang makita ang nakahandusay na si Kris. "This is all your fault!" sigaw ko sa kaniya habang akay si Kris. Nanginginig ang mga kamay nitong binitawan ang kutsilyong may dugo. Tumakbo ito palayo. Hindi ko na siya hinabol dahil mas inisip ko ang kalagayan ni Kris. Magbabayad ka Oliver. "Sheen, Kenj pakiusap dalhin natin siya sa ospital," mangiyak-ngiyak na ako. Dali-dali ko siyang k

