Evan's POV Andito ako sa apartment. Sumasakit ang ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Bakit kasi hindi makaintindi ang Elaine na 'yon? I am busy mopping the floor na papunta sa comfort room ng mall ng may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Dumilim ang paningin ko kaya binitawan ko ang mop na hawak ko at pilit inalis ang mga kamay na 'yon. Paglingon ko tumambad sa akin si Elaine. "What are you doing here?" kaagad na tanong ko sa kaniya. Hindi ko inaasahang pupuntahan niya ako dahil pinagsabihan ko na siya. "Evan, please just give me a chance. Mahal na mahal kita." Yumakap siya sa akin dahilan upang mas mainis ako. Itinulak ko siya palayo sa akin ngunit imbes na umalis ay idinampi nito ang labi sa akin. Hindi ko rin inaasahang nakatayo pala roon si Kris. "Walang hiya ka!" rinig

