Kris POV "Mag-iingat ka ha?" paalala ko kay Sheen nang pumasok na ito ng kotse dahil uuwi na siya. Kaya lang naman siya nagpunta sa akin ay para pag-ayusin kami ni Evan. Mabuti na lang talaga pumunta si Sheen dahil baka hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos ni Evan. llang segundo lang ay dumating naman si Matthew lulan ng kotse. Mukhang wala ito sa mood dahil nakabusangot. Nagulat naman kami ni Tita nang masulyapan namin ang pasa nito malapit sa ilalim ng kaniyang mata. Para itong nasuntok. "Matthew? What happened to your face?" Tita Roxanne asked worriedly habang sinusuri ang kabuuan ng kaniyang mukha. Baka kasi hindi lang iyon ang meron siya. Baka kasi napaaway siya sa pinuntahan nila. "Wala ito My, nadulas lang ako kanina," sagot niya habang sa ibang dako nakatingin. Animo'y a

