Kris' POV
Kung hindi lang sana kasalanan ang pumatay ng tao baka napatay ko na ang kaibigan kong ito.
I feel clean and happy kasi dito ako matutulog sa condo ni Sheen. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Ngunit, hindi ko naisip na may sarili pala siyang binabalak na hindi ko man lang nahulaan. Ang tanga ko talaga!
Kalalabas ko lang ng banyo noon nang bumungad sa akin si Evan. Nakatapis lang ako ng tuwalya kaya napasigaw ako.
"What are you doing here?!" sigaw ko sa kaniya.
Sino ba naman kasing babae ang hindi mabibigla kung biglang may makikita kang isang lalaki sa loob ng kwarto tapos tuwalaya lang ang suot mo? Kapag nakarating ito kay Mama tiyak uulanin niya ako ng pangaral.
"Ikaw anong ginagawa mo rito? Condo ito ng pinsan ko at pinabili niya ako ng gamot dahil may allergy raw siya," he paused for a moment. "Sh*t!"
Nasapo nito ang noo niya. Huli na para marealize nito.
Nang marinig ko ang paliwanag niya ay kaagad kong naisip si Sheen. Kaya ba dito niya ako gustong matulog? Is it her plan all along? O baka naman magkasabwat talaga sila?
Nakita ko ang bag ko sa kama niya kaya kinuha ko ito at bumalik ng banyo. Nagbihis ako roon. Paglabas ko ay naroon pa rin si Evan sa may pinto sinusubukang buksan ito at pilit na pinihit ang doorknob. Nilock na nga talaga ito ni Sheen sa labas.
"Kapag nakalabas talaga ako rito Sheen kukutusan talaga kita," protesta ng isip ko.
Sinubukan namin na magmakaawang palabasin kami pero hindi niya ginawa iyon. Talagang pursigido na siyang ikulong kami sa loob ng kwarto niya. Napaupo ako sa kama ng marinig ko ang katwiran ni Sheen.
"I'm sorry Kring gusto ko lang naman mag-usap kayo e," sigaw niya sa labas.
I remain silent dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"I'm sorry Kris," basag ni Evan sa ilang segundong katahimikan na namayani sa pagitan naming dalawa.
"Para saan?" tanong ko sa kaniya. Inilapag nito ang dala niya sa maliit na mesa na naroon sa gilid ng kama ni Sheen.
"Sa pagpunta ko rito," wika niya at naupo sa gilid ko. "Kung alam ko lang sana na ganito pala ang balak ng pinsan ko sa atin hindi na sana ako pumunta rito. Kaso akala ko talaga inaatake siya ng allegy niya e," mahinahong pagkasabi nito. "Siyempre bilang pinsan niya nag-aalala rin ako."
I look at him.
"Hindi mo naman kasalanan e. It's clear that it's all her idea. Kahit ako nga hindi ko ine-expect na gagawin niya ito sa akin. Kaya 'wag kang magsosorry dahil pareho lang tayong biktima rito."
"Paano 'yan? Mukhang wala naman siyang balak na palabasin tayo. Anong gagawin natin?"
Saglit akong nag-isip.
"Hindi ko alam e," nahihiyang sagot ko.
Muling naghari ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa.
"Ahm. B-ban?" wika ko.
"Ano 'yon?" sagot naman niya at tumitig sa akin.
"Bakit ka nga ba galit sa akin kanina?" usisa ko. Yaman lang rin na naroon na kami kaya itinanong ko na ang nais ko sa kaniya.
"Ah e.. hindi naman ako galit kanina. Medyo nagtatampo lang," turan nito.
"Bakit ka naman nagtatampo?" usisa ko. Habang nakatitig ako sa kaniya ay pakiramdam bumibilis ang takbo ng puso ko.
"Hindi ko maexplain Kris e. Bakit mo ba naitanong?"
"Wala. Wala naman. Naisip ko lang," sagot ko. Kahit ang totoo ay may mga salita akong gustong marinig sa kaniya. Mga katagang magpapanatag sana sa kalooban ko. Mga salitang magbibigay ng linaw ng lahat.
Tumayo siya at may kinuha ito sa plastic na bitbit niya kanina. Ibinigay niya ito sa akin.
Can of beer?
"Sorrry hindi ako umiinom e," tanggi ko. Hindi kasi ako pinapayagan ni Mama lalo na kung lalaki ang kasama ko. Hindi raw kasi maganda tignan sa babae ang nag-iinom.
"Isa lang naman e," kumbinsi niya sa akin at muling nilahad ang beer sa akin ."Hindi ka naman malalasing niyan."
Dahil sa udyok ng kuryusidad ay nakumbinsi ko ang sarili kong tikman iyon. Nahihiya akong tinanggap ito.
This is going to be my first time drinking liqour kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Binuksan ito ni Evan at muli iyong iniabot sa akin. Tinanggap ko ito at inamoy.
Ugh! It smells bad kaya inilayo ko agad iyon sa ilong ko. Pinagtawanan niya ako.
"'Wag mo kasing aamuyin," mungkahi niya. "Ganito kasi." He showed me the way how to drink it. "Pretend like you can smell nothing."
Inilapit ko ito sa mukha ko. I did what he told me. "Now, drink it little by little," payo niya.
Ginawa ko naman ang sinabi niya pero nasamid pa rin ako. Tumayo siya at kumuha nang bottled water at binigay niya ito sa akin. I drink it.
"Sabi ko kasi sayo konti lang," pangaral niya sa akin.
"Ginawa ko naman eh. Kasalanan ko bang mapait talaga ang lasa? Sabi ko naman kasi sayo hindi ako nag iinom," reklamo ko.
"Nasa una lang naman 'yan e. I'm sure masasanay ka rin naman pag naglaon."
Sinubukan ko ulit itong inumin. At naging maayos naman ang daloy nito sa lalamunan ko. Pero ramdam ko pa rin ang mapait na lasa na hindi nawawala.
"See I told you," wika nito. "Ahm...Kris about what i've done earlier in school I'm really sorry. Siguro nadala lang talaga ako ng emosyon ko kaya nagawa ko iyon."
Hindi ako kumibo marahil ay iniinda ko pa ang pait na nalalasahan ko sa inuming iyon. Nakaramdam ako ng init na dumaloy mula sa lalamunan ko hanggang sa aking tiyan.
"Wala iyon," maikling sagot ko.
Tinungga ko ulit ang alak na iyon hanggang sa masanay na rin ako sa lasa.
"Hoy! Dahan-dahan naman," pigil niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Natuon ang pansin ko roon kaya kaagad niyang binawi ang kamay niya sa pag-kakahawak sa akin.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako nang pagkahilo na parang umiikot ang paningin kO. Sinubukan kong tumayo pero nawalan ako nang balanse at muntikan na akung matumba.
Mabuti na lang sa mga bisig niya ako bumagsak.
"Hey! Okay ka lang?" tanong nito sa akin.
"Ahh...ako... okay...okay lang ako. Hindi pa naman ako lashing! Mamanga mahihina lang iyong mga nalalashing e malakas yata ako," katwiran ko.
Ngumiti siya.
"Talaga lang ha?"
Tumawa ako.
"Bakit? Ano tingin mo sa akin mahina? Kahit ubusin ko pa lahat ng alak dito di ako kayang patumbahin ng mga iyan...ako pa? Pe-pero sa ngayon...e magbabanyo muna ako...kaya bitawan mo muna ako kasi kaya ko naman," utos ko sa kaniya.
Binitawan naman niya ako.
"Diyan ka lang ah..diyan ka lang. Huwag kang susunod."
Inihakbang ko na ang aking mga paa ngunit pakiramdam ko ay parang lumulutang ako at nasaid ko ang isa kong paa. Umiikot na rin ang mga dingding sa harapan ko.
"Sabi na sayo eh...di mo kaya," turan nito at aakayin na sana niya ako uli pero umiwas ako.
"Kaya ko nga...ano ba yan magbabanyo nga lang ako."
"Oo nga magbabanyo ka lang kaya nga tutulungan kita eh," presenta ulit nito at inakay ako.
Itinulak ko siya.
"Ang kulit mo sabi ng..."
Hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil kaagad kung itinakip ang kamay ko sa aking bibig dahil para akong nasusuka.
Dali-dali akong pumasok ng banyo at inilibas ang lahat ng kinain ko sa inidoro. Habang nakaluhod ako ay hinagud- hagod ni Evan ang likod ko.
"Ayan ba ang mga malalakas kamu?" pangungutya niya sa akin. Hindi ako makaangal dahil mas iniinda ko ang pangit na nararamdaman ko. Parang hinihila ang mga kinain ko sa aking tyan at inilalabas ko ito.
(Sorry for those who are eating)
Mabuti na lang naroon si Evan at binigyan niya ako ng bottled water. Ng maging maayos na ang pakiramdam ko ay pinalabas ko muna siya at nilinis ang kalat ko. Nakakahiya kasi. Kasalanan ito ni Sheen hindi sana nangyari ito kung hindi dahil sa kaniya.
Paglabas ko ng banyo ay naroon si Evan sa sahig nakaupo habang hawak ang alak niya.
"Okay ka na?" tanong nito. Tumango ako.
"Pasensiya ka na ha. Ngayon ko lang talaga naranasang uminom." I reasoned out. Totoo naman kasi.
"Halata nga e. Sorry din sana hindi na lang kita pinilit," aniya habang patuloy na umiinom.
"Ayos lang. Inaantok na nga ako e," wika ko.
"Sige mauna ka na matulog. Mamaya na lang ako. Don't worry dito ako sa sahig pupwesto kaya wala tayong problema, " aniya.
"Pero paano walang extrang kumot at unan."
"I guess matutulog na lang akong nakaupo nito," usal niya.
Sumampa na ako sa kama. Malayo sa kung saan siya nakasandal. Nakakaantok pala mag-inom. Ilang minuto pa ay nilamon na ako ng dilim.
Ngunit, sandali lang yata iyon dahil nakarinig ako ng may humihilik. Nang tignan ko si Evan ay nakaupo ito habang ay ulo ay nakapilig sa kama. Nakakaawa siya tignan kaya ginising ko siya.
"B-ban dito ka na lang," alok ko sa kaniya at itinuro ang kama.
"Ha...e hindi okay lang ako dito." tanggi niya at muling ipinikit ang mga mata.
"Sige na. Hindi rin ako makakatulog kapag andiyan ka kasi nakokonsensiya ako. Sige na."
"Okay nga lang ako Kris. Promise. Sige na matulog ka na. May klase pa tayo bukas."
Nainis ako kasi hindi siya nakikinig. Kaya nilapitan ko siya at pilit itinayo roon. Ang bigat niya pala.
"Sabing okay lang ako Kris baka mamaya ano pa isipin mo sa'kin e," wika nito.
Kailan pa nagmamatter sa kaniya ang iniisip ko?
"Tumigil ka nga. Konsensiya ko naman kapag dyan ka natulog. Edi mas hindi ako makakatulog talaga kapag ganun. 'Wag ka na kasing maarte," singhal ko.
Tipong aalalayan ko na sana siya para makahiga ng matumba kaming dalawa dahil sa bigat niya. Nasa ibabaw niya ako.
Saglit akong natigilan bago kusang umalis roon. Inayos ko ang kumot sa kaniya. Ang bilis niyang matulog dahil himbing na himbing agad siya. Bumalik na ako sa kanang parte ng kama na iyon ni Sheen at humiga na rin. May malaki pa namang espasyo sa gitna naming dalawa. Bumaliktad siya at humarap ang mukha niya sa akin.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Kahit medyo may tama pa ako ay malinaw pa rin sa akin ang mukha niya. He's so handsome like a prince on a fairytale.
Nakatulog akong pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha niya.
Kinaumagahan ay nagising kaming dalawang magkayakap kaya mabilis kaming bumangon.
"Agh! Ang sakit pa rin ng ulo ko." Ininda ko ang sakit noon.
Habang si Evan naman ay napatingin sa relo niya. "Anong oras na ba? Sh*t. Magaalas-siyete y media na pala. Kaagad niyang hinanap ang sapatos nito. "Pakisabi kay Sheen umalis na ako," aniya at nagmadaling binuksan ang pinto.
Bukas na pala ang pinto? Ibig sabihin pumasok na si Sheen ng kwarto? Ibig sabihin nakita kami ni Sheen na magkayakap?
Oh my! I close my eyes.
"Krissa, you're s mess," bulong ko.
Bumukas naman ang pinto ng banyo at iniluwa noon si Sheen na bagong ligo. I stared at her.
Napangiwi siya.
"G-good morning, Kring," bati niya sa akin.
"Sheeeen!" sigaw ko. Naalarma siya at naisip niya siguro agad ang gagawin ko kaya tumakbo siya palabas ng kwarto. Hinabol ko siya.
Nasa likuran siya ng sofa.
"Kring, let me explain," aniya.
"I don't need your explanation." wika ko at hinabol ulit siya. "Pagkatapos mong gawin sa akin 'yon? 'Wag talaga kitang maaabutan dahil malalagot ka sa akin," banta ko sa kaniya.
Pumanig agad ang panahon sa akin dahil naabutan ko nga siya.
I placed my arm on her neck horizontally and my left hand on his head. Habang nakaupo kaming dalawa sa sahig.
"K-kring let me go," nasasamid na wika nito.
"No, kasalanan mo ang nangyari kagabi." wika ko. Mabilis siyang kumawala sa bitag ko at nagtanong.
"May nangyari sa inyo kagabi?" excited na tanong nito.
Inirapan ko siya.
"As if. Anong akala mo sa'kin? Wait...kaya mo ba kami ikinulong sa kwarto mo para may mangyari sa amin?"
"Ofcourse not! Gusto ko lang naman mag-usap kayo e," depensa niya.
"Pero hindi mo pa rin dapat ginawa iyon Kring. Teka, n-nakita mo ba kaming dalawa sa kama kanina?"
"Oo, bakit?"
"I-ibig sabihin nakita mo ang yakap?" nahihiya kong tanong.
"Oo, actually hindi naman talaga kayo magkayakap pag gising ko. Ang boring nga e kaya ang ginawa ko... hehe... I set it up myself," nakangiting wika nito.
At talagang proud pa siya. Nag-init na naman ang ulo ko.
"Kringggggggg!" sigaw ko. Tumakbo na naman siya dahilan upang habulin ko siya ulit. "Your dead Sheen Aberra! Ang lakas ng trip mo sa'kin a. Kukutusan talaga kita kapag naabutan kita!"
"Sorry na nga e," sigaw nito habang tumatakbo.