Kris' POV
continuation...
"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang lahat?"
Tumigil siya sa pagtakbo at nagtago sa mesa sa kusina.
"W-wala namang nangyari sa inyo h-hindi ba? Ano bang pinoproblema mo Kring?" Hingal na hingal na ito sa kakaiwas sa akin.
"Alam mo bang sobrang nahiya ako kagabi? Nagsuka ako dahil hindi ko pa naranasang uminom sa buong buhay ko Kring!"
"Hindi ko naman kasi inutusang mag-inom kayo. Hindi ba sabi ko mag-usap lang? Tapos ngayon ako ang sinisisi mo?"
"Eh sino ba kasi ang baliw na nagkulong sa amin sa kwarto ha?"
Natigilan siya. Isang malaking pagkakataon para maabutan ko siya. I pinch one of her ears.
"Aray! Kring naman sorry na nga e." Hinawakan nito ang kamay ko at pilit na kinukuha ang mga daliring umiipit sa tenga niya. Ayaw ko pa sana siyang bitawan nang marinig kong may nagring.
"Kaninong cellphone 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam. Hindi naman ganoon ang ringtone ko e. Baka sa'yo."
Binitawan ko ang tenga niya at dali-daling bumalik ng kwarto. I searched for my phone at nakita ang pangalan ni Matthew sa screen. Anong oras na ba? Hindi ko muna ito sinagot.
It's already 8:30am.
Lagot! Dapat nasa University na ako ng ganitong oras. Baka hanapin niya ako roon. Pumasok akong banyo at saka naligo.
. . .
"Sa susunod hindi na ako magtitiwala sa'yo," reklamo ko kay Sheen at inirapan siya.
Kumapit siya sa balikat ko at nagpuppy eyes. "Sorry na nga Kring. Hindi na mauulit. Promise."
"Hay naku! 'Wag mong babanggitin ito kay Matthew ha. Kung ayaw mong friendship over na tayo. At isa pa kasalanan mo naman lahat iyon e."
Dumiretso na kami nang lakad papuntang classroom. Mabuti na lang at on leave pa rin ang teacher namin sa unang subject kaya walang kaso kung malate kami. Pagdating namin ng classroom ay naroon na naman si Evan sa gilid ni Jecca. Masaya na naman silang nagkukwentuhan.
Nagwewelga ang kalooban ko habang tinititigan silang dalawa. Hindi pa nga nag-uumpisa ang araw ko ay nasira agad. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'yon sa gilid ni Jecca?
"Easy girl," pansin sa akin ni Sheen. Siguro ay nahahalata nito ang nakabusangot kong mukha. Humakbang na ako papuntang upuan ko sa likuran.
"Kris?" tawag naman nang papalapit na si Oliver.
Ngumiti ako.
"Oliver, ikaw pala."
Umupo ito sa desk ko.
"Wanna come? Pupunta kaming bar mamayang gabi. Isama mo si Sheen kung gusto mo."
"B-bar? Sorry ha malamang hindi ako payagan ng tinutuluyan ko," nalulungkot kong tugon sa kaniya.
"Ganun ba? Minsan lang naman ako mag-aaya e." Kinuha nito ang isang kamay ko at aktong hinalikan ito. "Please, sama ka na."
Kung alam lang nitong hindi tumatalab ang mga pagpapa-cute niya sa akin baka tumigil siya sa kakulitan niya. Gwapo naman siya oo, pero hindi lang talaga ako attracted sa mga gaya niya.
"Sorry talaga ha," pagpapaumanhin ko.
Hinalikan niya ulit ang dulo ng kamay ko.
"Okay sige. Hindi na kita pipilitin," aniya at kumindat sa akin.
Tatayo na sana siya ng biglang tumilapon ang isang upuan malapit sa amin. Kaya napasigaw ang lahat ng kaklase ko. Pati ako ay nagulat. Nang tignan ko ang pinaggalingan ng upuan na iyon ay natagpuan ko si Evan, galit na galit. Nakatayo na siya at masamang nakatingin kay Oliver. Lumapit siya sa kaniya at kinuwelyuhan ito dahilan upang mapatayo na rin ako at si Sheen.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba.
"What's your problem men?" tanong ni Oliver sa kaniya.
He never uttered a word instead he throws a punch on his face.
"Gago ka a," sigaw ni Oliver at gumanti kay Evan. Nagsuntukan ang dalawa. Nabahala ako. Walang gustong umawat sa kanila. Nakatingin lang kasi ang mga kaklase ko at ang iba ay tumatawa pa habang tinitignan silang nagsasabong.
Pumagitna ako ng aktong susuntukin ulit ni Evan si Oliver. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ako.
"Tumabi ka dyan Kris!" He said furiosly.
"Hindi," matapang na sagot ko. "Ano ba kasing problema mo ha?"
Ibinababa nito ang kamao niya at hindi ako sinagot. Bagkus ay naiinis siyang lumabas ng kwarto. Tiningnan ko si Sheen. Sumenyas ito na sundan ko si Evan.
"Evan, sandali!" sigaw ko sa kaniya.
Bumilis ang lakad nito.
"Go, away!" Tumakbo na ako para maabutan siya. "Ano ba I told you to stay away from me!" galit na usal nito.
"No, hindi kita lulubayan hangga't hindi mo sinasabi kung bakit mo ginawa 'yon," pagmamatigas ko.
"Hindi mo ba talaga alam? Sabagay, ano bang alam ng manhid na gaya mo?"
I scratched my head. Anong sinasabi niya? Ako pa talaga ang manhid?
Tumigil ako sa kakasunod sa kaniya.
"What do you mean?"
He also stopped. Isang metro ang pagitan namin habang nakatalikod siya sa akin.
"You're so innocent and clueless huh?"
Mas lalo pa akong naguluhan. Innocent and clueless all of a sudden?
"Pwede ba Evan, gulong-gulo na ako sayo e. Anong bang punto mo?!" nayayamot kong turan sa kaniya
He turned around and surprise me with a kiss on my lips. I freeze for a moment.
"That is my reason!" He said after drawing his face away from me. "Gusto kita Kris! I like you. Kaya ayokong nakikitang umaaligid ang Oliver na 'yon sayo," mahinahong paliwanag niya.
I gulped. Parang lumukso ang puso ko sa narinig ko.
"H-how about you Kris? Gusto mo rin ba ako?" tanong nito.
I wanted to shout in front of him. Gusto kong malaman niyang may pagtingin rin ako sa kaniya pero walang lumabas sa bibig ko.
Napangiti siya ng mapait.
"I knew it," wika nito at tinalikuran ako.
Umalma ang kalooban ko habang nakikita siyang palayo. I wanted to confess everything. Tama na ang mga araw na puro ako selos at hinala.
"Evan!" I shouted. "Evan...oo...gusto rin kita!"
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko ang tanging naiisip ko lang ay ayoko nang pahirapan ang damdamin ko. Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko tumigil siya sa paglalakad. He turned around at patakbong bumalik sa akin.
"What did you say?" nakangiting tanong niya sa akin.
"I said...I like you!" muling banggit ko sa kaniya. A wide smile appears on his face. Niyakap niya ako ng mahigpit.
So, this is how it feels to be hugged by your first love. Para akong kinikiliti sa kasingit-singitan. Iyong feeling na kaming dalawa lang ang nag-eexist sa mundo at balewala ang ibang tao na dumadaan.Wala akong pakialam kung sino man ang makakita sa amin dahil sa sobrang saya ng damdamin ko.
"Totoo ba ang mga sinabi mo?" tanong nito ng marating namin ang dati naming tagpuan. Naupo kami sa bench na naroon.
"Bakit ano sa tingin mo? Joke lang ang lahat?" taray ko sa kaniya
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. "Naniniguro lang baka mamaya pinagtitripan mo lang pala ako."
"Hoy, hindi ako ang tipong pati feelings pinagtitripan. Seryoso ako sa nararamdaman ko sa'yo kaya sana...ikaw rin."
Kinuha nito ang kamay ko at sinukat sa mga kamay niya bago tuluyang sakupin ang bawat daliri ko.
"I'm serious...love," marahang wika nito habang nakatingin pa rin sa'kin. Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Love?" ulit ko.
"Bakit ayaw mo ng love? Ano bang gusto mo babe? Baby? Mahal?"
Ramdam ko na naman ang mag nagliliparang paru-paro sa tiyan ko. Magkahalong kaba, kilig at saya ang naidudulot nito sa akin.
"Sige...love na lang," nahihiyang turan ko. Bakit kasi may ganito pa? Hindi pa naman ako sanay na tinatawag na ganun. Biglang pumasok sa isip ko si Matthew. His damn reaction when he found out this thing up. "Oo nga pala, may hihilingin sana ako sa'yo e."
"Anything for you love. Ano ba 'yon?"
"Kilala mo ang bestfriend ko hindi ba? Si Matthew? Ayoko sanang malaman niya ang tungkol sa ating dalawa."
"Bakit naman? 'Wag mong sabihing ikinahihiya mo'ko kung hindi mgtatampo ako sa'yo."
"Hindi naman 'yon e. Kasi nangako ako kay Mama na hindi muna ako makikipag-relasyon hanggat hindi ako nakakapag-tapos. Si Matthew ang naatasan niyang tumingin sa akin dito. Kapag nalaman niya ang lahat tiyak na isusumbong niya ako kay Mama. Kapag nangyari 'yon baka pauwiin niya ako roon sa amin sa probinsya."
"Kaya naman pala. Sige, basta para sa'yo love."
"Hoy, kayong dalawa. Nandun na instructor natin sa loob ng room. Ano pang ginagawa niyo diyan?"
Nagulat ako sa biglaang pagdating ni Sheen kaya naiwaksi ko ang kamay ni Evan saka tumayo.
"N-nandiyan na siya. S-sige tara na!" Itinulak ko siya pabalik sa pinanggalingan nito bago sumenyas kay Evan.
Habang nasa klase kami ay hindi ako makapag- pokus sa leksiyon dahil inaabala ako ni Evan. Ramdam ko ang malagkit na titig nito sa'kin.
"Makinig ka nga muna sa guro. Paano ka makakapagtapos niyan kung ako lang tititigan mo buong araw?" sita ko sa kaniya.
"Bakit ka ba nag-aaral ng mabuti?" tanong nito.
"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre para magkaroon ng magandang buhay."
"Kaya nga hindi na ako mag-aaral ng mabuti kasi sa piling mo pa lang ramdam ko na ang magandang buhay."
Sinamaan ko siya ng tingin kahit kinikilig na ang kaibuturan ng puso ko. Ginagap nito ang kamay ko at muling ikinandado ng kamay niya. Mabuti na lang at nasa ilalim ito ng desk at walang nakakakita.
"Kring? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Sheen dahil hindi ako mapakali sa upuan. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko naman inaasahang ganito ka-clingy itong si Evan. Buong umaga yatang magkadikit ang kamay namin sa isa't isa.
Nagtapos na naman ang isang umaga. Sabay kaming lima na pumunta ng canteen. Kasama namin si Jecca pero sa gilid ko na si Evan.
"Anong gusto mong orderin? Ako na ang bibili para sa'yo?" tanong ni Evan pagpasok namin ng canteen.
"Ban, ako gusto ko ng curry," singit ni Sheen.
"Edi bumili ka," baling ni Evan sa kaniya. Hinampas naman siya ni Sheen sa balikat.
"May favoritism ka? Bakit si Kris lang bibilhan mo? Andito pa kami ni Jecca o. Teka, baka nakakalimutan mong ako ang pinsan mo" reklamo niya rito. Hindi na sumagot pa si Evan.
Kakaupo lang namin noon ng dumating si Matthew.
"Kris, pwede bang sabay na lang tayo maglunch?" aya niya sa'kin.
"Ha...e." Napatingin ako kay Evan.
"Just this once may ipapakilala lang ako sa'yo."
Wala naman akong nagawa kundi iwan muna sina Evan at sumunod kay Matthew.
"Tumawag nga pala ako sa'yo kaninang umaga pero hindi mo sinagot," Matthew said while we are on our way to their Department's canteen.
"S-sorry. Hindi ko napansin kasi nakasilent ang phone ko," pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Ah I see. Okay ka naman ba roon? Nakatulog ka ba naman ng maayos?"
I felt guilty. Alam kong mahal na mahal ako ng kaibigan ko dahil bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Ngunit, kasinungalingan lang ang iginaganti ko. I'm really sorry Moks!
"Uy, nandiyan na pala kayo?" someone said. He's not familiar to me. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay mukhang chickboy ang awrahan nito. "Not bad!" baling nito sa kaibigan ko.
"Loko, anong not bad? Baka mamaya anong isipin nitong bestfriend ko," sagot ni Matthew. "Ah...Kris this is Valir. Valir this is my bestfriend...Kris," pakilala nito sa amin.
So, this is Valir. Iyong naikwento ni Tita sa akin na close friend din ni Matthew maliban sa akin. Inilahad nito ang kamay niya.
"Hi, nice meeting you Ms. Kris."
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti.
"Nice meeting you too."
"Okay, so maupo na tayo?" ani ni Matthew. Kinuha nito ang isang upuan at pinaupo ako roon. Umalis muna silang dalawa at um-order ng pagkain namin.
"So, Kris may boyfriend ka na ba?" tanong ni Valir nang makabalik na sila.
Para naman akong pinagpawisan sa tanong niya. Bakit sa dami ng itatanong niya ay iyon pa ang napili nito? Hindi pwedeng malaman ni Matthew ang totoo.
"Siyempre, wala." Si Matthew na ang sumagot. "Hindi ba, Kris?"
"Ahm. O-oo...oo," sang-ayon ko sa kaniya.
"Anong klasing mga tanong ba 'yan?" reklamo ni Matthew sa kaniya habang inaayos nito ang pagkain sa harap ko. "Kumain ka na Kris," utos niya kaya kinuha ko na ang kubyertos at nagsimulang kumain.
"Bakit ba kasi ikaw ang sumasagot ng mga tanong ko pre? Hayaan mo naman siyang magsalita."
"Ayos-ayusin mo kasi ang mga tanong mo," sagot nito. "Alam mo bang bawal pa magka-boyfriend itong bestfriend ko dahil kabilin-bilinan ng nanay nitong hindi pa pwede and she knows it. Hindi ba Kris?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Paano na lang kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Evan?