Chapter 20

1756 Words
Evan's POV "Ban, hindi ka ba sasabay sa amin?" My cousin asked while preparing her bag on the seat. "Hindi na, mauna na kayo ni Jecca," tipid na sagot ko. Ang tooo niyan kanina pa ako badtrip. That Matthew, kung hindi lang siya bestfriend ng GIRLFRIEND ko hindi ko siya hahayaang tangayin si Kris ng ganoon lang. Pero wala akong magagawa sa ngayon dahil iniingatan ko ang pangako ko kay Kris na wala munang dapat makaalam sa anumang relasyon na mayroon kami. It happened so fast parang kailan lang nakiusap ako kay Jecca na pagselosin si Kris ngayon talagang akin na siya. Sa tingin ko epektibo naman ang lahat ng mga ginawa ko. Hays! I just hope that this isn't a dream dahil kapag panaginip lang lahat ng ito ay madidismaya talaga ako. Kris, you don't know how you made me happy nang malaman kong gusto mo rin ako. "Why are you here alone?" bulong ng pamilyar na boses. Nilingon ko ito at natagpuan ko ang siya--ang taong mahal ko. Tumayo ako. Hindi ako umalis ng canteen dahil nagbabaka-sakali akong babalik siya roon. "Hinihintay kita. Mabuti naman hindi ka niya sinamahan pabalik rito?" Alam niya kung sino ang tinutukoy ko.I gave her a grumpy look. Tinawanan niya lang ako. "Nagseselos yan?" biro niya sa akin. "Sinong nagseselos?" Umismid ako. "Ako nagseselos?" ulit ko. "Bakit hindi ba?" seryosong tanong niya. "Hindi ah... hindi ka nagkakamali." Kung pwede ko nga lang lagyan ng bakod si Kris at gawan ng sign na "No Trespassing" para hindi makalapit ang Matthew na 'yon. Kung pwede lang e. She gave me a genuine smile at hinila ako palabas ng lugar na iyon. Habang naglalakad ay kinuha ko ang kamay niya at ipinasailalim sa mga kamay ko. I really like the feeling while holding her soft hand. Pero sandali lang iyon dahil kaagad niyang binawi ang kamay niya dahil may dumaan sa harap namin. Naiintindihan ko naman siya. Alam ko ang nakataya kapag nalaman ng Mama niya ang tungkol sa amin. Worst, baka hindi ko na siya makita kapag nangyari 'yon. So, kailangan kong tiisin ang pagiging pribado ng relasyon namin. Gaya nang ginagawa ko sa klase na lang ako bumabawi. Maghapon kong hawak ang kamay niya. Masaya na ako sa paraang iyon. Pero may katapusan rin ang lahat dahil kailangan ko ulit magpaalam sa kaniya pagtapos ng klase namin. Sa tuwing naiisip ko na kasama niya si Matthew tuwing gabi nagngangalit ang pakiramdam ko. Parang gusto ko siyang puntahan sa kanila at dalhin sa kung saan kami lang dalawa. But, for now all I can do is watch her leave together with her bestfriend. "Oh bro, anong meron?" tanong ni Kenji sa akin. I gathered them on convenient store that I am working. Naroon ako hindi bilang trabahante kung hindi bilang kostumer. Kinawayan ako ng ka-trabaho ko roon kaya kinawayan ko rin siya. "Take a seat first, will you?" utos ko sa kanilang tatlo. Naupo naman sila sa harapan ko. "May problema ka ba bro?" usisa ni Zandy. "I guess this is the fist time that you invited us over. Kung hindi pa kami ang pumunta sa iyo noong nakaraan e." "Malaki bro," sagot ko habang nakapahinga ang siko ko sa mesa at hawak ng aking daliri ang ang labi ko. "Hmmm. I guess this isn't about money, sa rami ba naman ng trabahong pinapasukan mo I am thinking kung magkano na ang naipon mo? Hindi rin siguro ito iyong nangyari last time?" Napaisip siya." Oh sh*t! Idenemanda ka ba ng lokong 'yon? We can be your witness," ani ni Kenji. "I can still remember how lame that guy fights though," natatawang dagdag pa nito. "You guys, wala talagang tumama sa inyo. Hindi ko tuloy alam kung kaibigan ko talaga kayo or what?" singhal ko sa kanila. "I guess hindi naman pagkain ang problema mo hindi ba?" Binatukan ko si Jo. "Isa ka pa e," I hissed. "This is about a woman." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nila. Tila naging interesado ang mga ito sa sinabi ko. Malamang naintindihan agad nila ang ibig kong sabihin. "No way!" usal ni Kenji. "Are you serious?" Zandy exclaimed. Sumenyas lang si Jo ng 'what?" "Tell me who is this lucky girl? Maganda ba bro? Saan kayo nagkita? Is she a student too? C'mmon ipakilala mo naman siya sa amin. We need to know how she captivates your picky heart." sunod-sundo na litanya ni Zandy. Napahawak ako sa sentido. "Pwedeng isa-isa lang Zands? Ipapakilala ko rin siya sa inyo soon. But, for now I need your advice. May kaibigan kasi siya...bestfriend to be exact. Eh lagi siyang gwardiyado." "So, what is the problem? Bestfriend lang naman siya e. Hindi naman sila. Anyway, may label na ba kayo ng girl na ito? O baka naman mutual understading o malabong usapan lang? Gaya ng laging relationship nito." Inginuso nito si Kenjie. "Hoy! Bakit naman ako nasali sa usapang iyan?" reklamo ni Kenji ng mapagtanto nitong siya ang tinutukoy ni Zandy. "Totoo naman e. I have told you how many times na tigilan mo na ang mga paglalaro mong 'yan. Mahirap kapag bumalik si karma sa'yo." "Ang sabihin mo inggit ka lang kasi wala kang lovelife," kutya nito sa kaniya. Nagdebate ang dalawa sa harap ko. "Guys, hello! Ako ang nangangailangan ng advice niyo," singit ko sa kanila. "Kami na nga e. Pero hindi pwedeng malaman ng iba lalo na ang bestfriend niya dahil baka siya pa ang mitsa para pauwiin siya sa probinsya," nalulungkot na tugon ko. "I see. So, you are in private relationship?" I nodded my head. "Mahirap 'yan bro. But, if you truly love her kakayanin mo ang cons ng relasyon niyo." I bit my lower lip. Wala na bang ibang paraan? "I guess wala na akong ibang magagawa but to accept it," sagot ko. "Ang hindi ko lang naman kasi matanggap ang pagiging bossy ng Matthew na 'yon lalo na kapag kaharap ko siya." "Ganoon talaga bro. Nauna siyang dumating sa buhay niya e. Minsan nga nagiging karibal pa ng mga syota iyang bestfriends na yan. So, if I were you mag-iingat na lang ako and I will always keep an eye on my girl baka mamaya sinusulot na pala siyang ng kaniyang bestfriend. May mga kaso kasing ganun." Ako pa talaga ang mag-iingat? Dapat nga siya ang matutong lumugar dahil kaibigan lang siya. Kung pwede ko lang sanang balikan ang nakaraan at ibahin ang takbo ng buhay, babalikan ko ang panahon na nagkakilala silang dalawa. I trust Kris. Alam kong hindi niya ako ipagpapalit at mas lalong lolokohin. Marami pang sinabi si Zandy na pinakinggan ko naman. Matapos kaming mag-usap ay kumain muna kami bago nagdesisyong umuwi. May motor akong dala kaya hindi na ako nagpahatid sa kanila. "Look who's here!" sigaw sa akin ng pamilyar na mukha. It's Oliver kung hindi ako nagkakamali. May mga kasama ito. Mukhang mga adik dahil sa mga tattoo nila sa katawan. May mga hikaw rin ang mga ito sa ilong at tenga. Bumaba ako ng motorsiklo dahil malapit na rin ang apartment ko. "Pwede ba Oliver, wala akong panahon sa'yo kaya kung maaari lang umuwi na kayo ng mga kasamahan niyo," utos ko sa kaniya. Ididiretso ko na sana ang motorsiklo sa loob ng apartment ng biglang may tumamang matigas na bagay sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nahulog na isang kahoy. Saka ko lang napagtanto na may mga dala pala silang pamalo. Lima silang lahat, pang-anim kay Oliver na nakangisi pa habang hawak-hawak ang isang dos por dos. Itinigil ko muna ang paghatak sa motor ko at tinadyakan ang stand nito "Dito ka muna ha," bulong ko sa motorsiklo bago humarap sa kanila. "Palalampasin ko ang ginawa niyo sa akin. At dahil sooobrang bait ko bibigyan ko rin kayo ng oras para umuwi sa mga bahay niyo. Gabi na kaya't hindi naman natin kailangang gawin 'to," wika ko sa kanila. "Anong problema Evan? Nababahag na ba ang buntot mo? Sobrang angas mo kanina sa school a. 'Wag mong sabihing natatakot ka ngayon?" pagmamayabang ni Oliver sa akin. Sino kaya ang natatakot sa atin gayong ikaw itong nagdala ng kampon para pagtulungan ako? "Ang totoo niyan pagod ako kaya ayokong makipag-away sa inyo. Isa pa, pasensiya ka na kanina kung tungkol ito roon. Nagalit lang ako dahil pakiramdam ko tinatalo mo ang babaeng gusto ko ,e" paliwanag ko. "Ah iyong Krissa? Kung akala mong interesado ako sa probinsyanang 'yon pwes nagkakamali ka! Tinetest ko lang naman siya e..at mukhang bibigay naman. Kung hindi ka lang nangialam edi sana nadali ko na ang p*****k na 'yon!" walang pakundangan na wika nito. "Anong sinabi mo?" sigaw ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong sistema ko sa narinig ko. "How dare you speak to my woman like that!" Pinalibutan nila ako. Isang lalaking mukhang kabayo ang unang lumapit sa akin at sinubukan akong suntukin pero nakailag ako at hinataw ko siya ng paa ko dahilan upang mawalan siya ng balanse. Sumunod naman ang dalawa na may dalang pamalo. They tried hitting me with it pero sabay-sabay kong sinipa ang mga kamay nila kaya't nabitawan nila ang mga kahoy. Nang malapit na ako kay Oliver ay siya ang pinunterya ko nang suntok. I can say that he's good in defense like me. Kaya medyo nahirapan ako sa pag-atake ko sa kaniya.I tried hitting him on the same pattern of direction ng ilang segundo. Nang maramdaman kong nasanay na siya roon ay saka ko binaliktad ang atake ko. Hindi ako nagkamali. Sapul ko ang magkabilaang parte ng mukha niya. Sinipa ko ang tagiliran nito, diretso sa tuhod at binti. Dahil sa sunod-sunod na atake ko ay natumba siya at nagsuka ng dugo. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa sinabi nito. Lumuhod ako sa kinaroroonan niya. Kinuwelyuhan ko siya at muling sinuntok sa magkabilang mukha. Inawat ako ng dalawa sa kasama niya at pinatayo. Naglabas naman ng kutsilyo ang dalawa pa. Sasaksakin na sana nila ako nang nagsalita ang isang lalaki. "Hoy! Bitawan niyo siya kung hindi tatawag ako ng pulis!" banta nito kaya binitawan nila ako kaagad. Muli nilang itinayo si Oliver na puno ng dugo ang ilong at mukha. Halos hindi na ito makalakad. Nakaramdam ako ng awa ng makita ko siya. Aaminin ko ring masyado akong nagpadala sa galit dahil sa sinabi niya kaya napasobra ang pagkabugbog ko sa kaniya. Paglingon ko ay tumambad sa akin si Mr. Alcantara. Kung hindi ako nagkakamali siya ang sumigaw na iyon para matakot ang mga kasamahan ni Oliver. "Okay ka lang?" tanong nito at pinagpag niya ang jacket ko. That has been serious kapag hindi siya dumating. I can't control myself either. Akala ko okay lang ang lahat dahil napigilan kami ni Mr. Alcantara. "Is that Evan? Iyong lalaking nangbugbog sa classmate niya?" rinig ko na wika ng isang estudyante sa hallway. Papasok na ako ng classrom ng narinig ko ang usapan nila. "Oo, siya nga 'yon. Biruin mo hindi na siya naawa kay Oliver." "Hanggang kailan daw ba siya madidischarge sa hospital?" "Hindi ko rin alam sis. Basta sa pagkakaalam ko malala ang lagay niya." "Tara na nga, baka mamaya tayo naman ag saktan niyan." "Oo nga, balita ko wala pa namang parents 'yan kaya siguro asal kalye." Nainis ako sa narinig ko kaya imbes na dumiretso ako ay lumihis ako ng daan. Kahit hindi ko naman sila inaano ay kusang lumalayo ang mga estudyanteng madaanan ko. Dumiretso ako sa kung saan kami nagtatagpo ni Kris. Nang mailapag ko ang bag ko ay tinawagan ko si Mr. Alcantara. "Please search for the hospital where Oliver is being admitted and see to it that their bill is settle before they knew it," wika ko at pinatay ang cellphone ko. I didn't expect na magkakaganito ang lahat. It wasn't my fault pero nakakaramdam ako ng guilt. Siguro ay dahil na rin sa hindi ko napigil ang sarili ko. I clenched my fist. Bakit kasi ako laging napapaaway? Bakit kasi lagi na lang nila akong hinahamon at hindi rin naman pala ako nila kaya? At the end, ako rin ang makakaramdam ng awa. Tumayo ako at pumakawala ng buntong-hininga. Nang bigla kong maramdaman ang mainit na yakap galing sa likuran ko. I stayed there for a while. "I know you didn't do it for unreasonable reason," wika nito. "I trust you." Nagpapasalamat ako sa narinig ko. Kamuhian man ako ng lahat ay wala akong pakialam basta alam kong may tiwala siya sa akin. Sapat na ang tiwalang iyon para hindi ko pansinin ang mga iniisip ng ibang tao sa paligid ko. Hinarap ko siya at niyakap. "Thank you," wika ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng magandang ngiti. Hindi ako nagkamali ng taong minahal. I know she will always be there trusting me even the world doesn't. "Ano ba kasing nangyari?" tanong niya nang nakaupo na kami sa bench. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat. "Sana hindi mo na lang kasi pinatulan," nalulungkot na sabi nito. Tumingin ako sa kaniya. "Kris, hangga't nandito ako hindi ko hahayaang pagsalitaan ka ng kung sino ng ganoon. I am your boyfriend at doon ako mas lalong nagalit." Kinuha nito ang kamay ko at pinisil iyon. "Thank you...love." aniya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD