Elaine's POV I'm here at work kasama si Evan na naglilinis dahil malapit na kami magsarado. It has been a tiring day pero ayos lang dahil nawawala ang pagod ko sa tuwing nakikita ko ang gwapong mukha niya. "Hoy! Tumutulo na ang laway mo sa kakatitig sa kaniya," sita ng ka-trabaho namin. "Why don't you tell him instead. Malay mo kayo talaga ang para sa isa't isa?" "Sa tingin mo bagay kaming dalawa?" "Why not? Maganda ka naman at gwapo naman iyong si Evan. Perfect match kung titingnan. Siguro kung magka-anak kayo baka maging artista sa ganda o gwapo!" "Aysus! Binola mo pa ako. Wala akong panglibre sa'yo," biro ko sa kaniya. Isang ngiti lang ang ibinahagi ko sa kaniya at muling itinuon ang tingin kay Evan. He knows everything as well as my feelings for Evan at siya ang laging umeeng

