Kenjie's POV Isang balita na naman ang gumulantang sa aming tatlo. Isa sa mga classsmates namin ang nagtext at sinasabing may nangyari sa kaibigan namin. Minsan na nilang nakasama si Evan sa classroom noong nakitambay siya roon kaya malamang siya ang tinutukoy ng classmate namin. Hindi kami pumasok ng mismong Araw ng Puso dahil tinatamad kaming tatlo. Single kaming tatalo kaya malamang hind kami gaganahang pumasok dahil baka mainggit lang kami sa mga magkasintahan na dadalo. Ano kami audience nila? Bago pa man nila wasakin ang mga mata namin ng mga PDA's kami na ang iiwas. Dahil sa isyung inaresto raw si Evan dali-dali kaming pumunta ng paaralan. Nahuli na kami dahil tanging mga taong nagkukumpulan na lang ang naroroon. Hindi ko naman inaasahang makita ko sa paaralan si Elaine. Why is sh

