Chapter 48 Evan's POV "Kris...kris..." gising ko sa kaniya. Nawalan siya ng malay kaya binuhat ko siya at natatarantang naghintay ng taxi. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi nito iminumulat ang mga mata niya. Those jerks! Hindi na talaga sila nagtanda. Talagang sinasagad nila ang pasensiya ko. Mabuti na lang at may dumaang traysikel. Wala na akong choice dahil hindi naman puwedeng sa motorsiklo ko siya isakay dahil baka mahulog lang siya sa daan. "Mama, sa malapit ho na ospital. Bilis!" sigaw ko sa kaniya. Parang gusto kong lumipad ang traysikel na iyon para masigurado na mailigtas ko agad si Kris. Ano ba kasing ginagawa niya sa park mag-isa? Kapag may nangyaring masama sa'yo Kris hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sh*t! Pagdating sa ospital ay itinakbo ko siya sa

