Chapter 56 Kris POV I am happy dahil pinagbigyan ni Evan ang hiling kong bigyan pa ng pagkakataon si Matthew. Kahit marami nang nagawang kasalanan si Matthew sa akin ay pilit ko pa rin siyang iniintindi dahil sa naniniwala akong hindi talaga siya masamang tao. Nakasama ko siya ng matagal kaya kilalang-kilala ko na siya. Now, Evan wanted to meet my mom kapag dumating ang semestral break. Aaminin ko na nag-alangan ako noong una pero naisip kong isang magandang ideya iyon para pormal na ipakilala si Evan sa kaniya. Kung ano man ang magiging reaksiyon niya ay dapat maging handa lang kami. AFTER TWO WEEKS Kakauwi ko lang galing ospital. Hinatid ako ni Sheen dahil hindi naman siguro magandang tingnan kong si Evan ang kasama ko pag-uwi. Tita Roxanne is there at the gate at hinihintay ako.

