Evan's POV Kararating lang namin sa probinsiya nila Kris. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sumusunod ako sa kaniya. Paglabas ng airport ay traysikel ang sumalubong sa amin at hindi sasakyan. "Siin kamo ma'am and sir?" tanong ng isang drayber. Laglag panga ako dahil hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Kinalabit ko si Kris at sumensyas ako sa kaniya na kausapin ang drayber.. "Sa paradahan angkol it bus," sagot naman ni Kris sa kaniya. "Ano raw sabi?" usisa ko sa kaniya. Iba kasi ang dayalekto nila sa amin na purong tagalog. Ngayon ko nga lang narinig ang mga salitang ginamit niya. "Saan daw tayo at ang sagot ko ay sa terminal tayo ng bus," paliwanag ni Kris. "Ahhhh. Iyon lang pala 'yon. Pasensya ka na hindi ko talaga maintindihan eh." Nagkamot ako ng batok. Isang pa

