Kris POV Umupo nga ito sa harap ng sofa na pinuwestuhan ko. "Parang narinig ko na ang pangalan mo somewhere," he said and try to think. "Baka ka-pangalan ko lang," sagot ko. "Alam mo naman ngayon marami na ang taong may parehong pangalan sa mundo. Hindi na mabilang." "Siguro nga," pagsang-ayon naman nito. "Anyway, wala ka bang kasama? Mag-isa ka lang ba?" sunod-sunod na tanong niya. "Mayroon naman. Bumili pa nang iinumin namin." Natanaw ko naman agad si Sheen. "Oh! Narito na pala siya e. Ayun oh!" Tumayo ako at ipinakilala siya kay Sheen. "Ang bilis a. Ilang minuto lang ako roon nakahanap ka kaagad ng lalaki," tukso niya sa akin. "Gagi. Tumigil ka nga! Hindi ko naman inaasahang kakausapin niya ako e" sita ko sa kaniya. "Saan na nga pala ang in-order mo?" tanong ko sa kaniya dahil

