Kris POV "Kamusta ang lakad niyo?" tanong ni Tita sa akin. Alam kong ang pag-alis ko kasama si Matthew ang tinutukoy niya. Ang totoo niyan ay hindi ko talaga gusto ang ginawa ni Matthew. Kung alam ko lang na doon niya ako dadalhin hindi na lang sana ako pumayag. Tiyak kong mas lalo ko pang nasaktan si Evan. "Ah e okay naman po Tita," tugon ko. "Mabuti naman. Salamat talaga Kris sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa anak ko." "Wala po 'yon Tita. Isang pagtanaw na rin po ng utang na loob sa inyo. Tama rin po kayo, hindi naman po tayo perpekto. Alang-alang sa pagkakaibigan naming dalawa ni Matthew." "Oo nga hija. Hindi bale kinausap ko na rin iyang kababata mo. Oo nga pala, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kapag may ginawa siyang hindi maganda dahil ako agad ang magtuturo sa

