Kris POV Pumasok akong kwarto pagkatapos naming mag-usap ni Matthew. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Flashback Nagpaalam sandali si Matthew sa aming dalawa ni Tita Roxanne. Magbabanyo lang daw muna siya. Ang totoo ay ayoko sanang sumama sa dinner pero nakiusap si Tita kaya hindi ako nakatanggi. Humigop siya ng kaunti sa wine nito bago bumaling sa akin. "Ah. Kris puwede ba tayong mag-usap?" Tumitig ako sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala. "Oo naman po," sagot ko. Ipinatong nito ang kamay niya sa kamay ko na nasa itaas ng mesa. "Kris, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Kinabahan ako ng konti sa sinabi niya. Ngayon, lang ito naging seryoso sa harap ko. "Alam ko na hindi kayo maayos ngayon ng anak ko. Kahit hindi niyo man sabihin sa akin

