Evan's POV Narito ako ngayon sa bench, sa dating tagpuan namin ni Kris. Pumunta siya rito kanina pero nagtago ako sa likod . Aaminin ko na nagtatampo ako sa kaniya dahil pinatawad na nito si Matthew. Ibig lang kasing sabihin nun' ay malaya na naman ang lalaking 'yon na gawin ang lahat. Naiinis talaga ako kanina. Ang lakas ng loob niyang puntahan si Kris sa mismong classroom pa namin tapos hindi pa nakuntento at inihatid pa niya pagkatapos kumain. Nakamasid lang ako sa kanila kanina, kahit nasasaktan na ako ay hindi ko sila kayang lapitan. Kung ganun' palagi ang makikita ko baka malimit na lang akong papasok. Dumagdag pa ang mga kaklase ko na itinutulak si Kris kay Matthew. Ang sarap tahiin ang mga bunganga. Kung alam lang nila kung gaano ako nasasaktan kapag tinutukso nila ang babaing m

