Kris POV 10 years later.. Abala ang lahat dahil sa malaking event na ito. “My, gutom na po ako,” reklamo ng batang lalaki sa akin. Kanina pa niya ako kinukulit at malapit na akong mainis kung hindi ko lang nakikita ang mukha ng taong nagbibigay ngiti sa akin sa araw-araw. Para kasi talaga silang pinagbiyak na bunga ng tatay nito. “Elvie, mamaya na. Okay? Pumunta ka muna kay yaya mo. Marami pang ginagawa si Mommy ngayon dito e. Please?” pakiusap ko sa kaniya. Isa akong wedding coordinator at siya ring may-ari ng sarili kong kumpanya. Kaya ako kumuha ng tagapag-alaga kay Elvie dahil nag-aadjust pa ako sa trabaho ko. Palagi kasi akong abala at walang oras. Nagpout siya dahilan upang mapangiti ako sa kacute-an niya. “Eh mommy, gusto ko po na ikaw magbigay sa akin ng foods. Please Momm

