Kris POV continuation... Isang masayang hapunan ang nangyari ng gabing iyon. Naghanda kami ni Mama dahil minsan lang naman daw mangyayari ang ganito sa buhay niya--ang makasama ang dalawang lalaking malapit sa puso niya. Naikwento na rin niya sa akin ang tungkol sa kanila ni Mr. Alcantara. Nagluto kami ng pansit, menudo at adobo. Kahit simple lang raw basta maipaghanda ang muling pagkikita nila. Habang nasa kusina kami kanina ay panay ang titigan namin ni Evan. Minsan pa ay kumikindat ito sa akin habang naghihiwa ng mga ihahalo sa menudo. "Aray!" sigaw nito kaya naalarma ako at mabilis na pumunta sa direksiyon niya. "Anong nangyari sa'yo? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Itinago nito ang daliri niya sa nakakuyom nitong palad kaya inagaw ko ito sa kaniya. "Akin na

