Kris POV Gaya ng pakiusap ni Tita Roxanne, pinalalagpas ko ang mga ginagawa ni Matthew at para na rin maging maayos ang lahat. "Good morning," bulaga sa akin ni Matthew paglabas ko ng kwarto. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kusang bumilis ang t***k nito sa gulat. "Jusko naman! Papatayin mo ba ako sa gulat?" wika ko. Mukhang masaya siya ngayong araw dahil bakas ito sa mukha niya. Ano kayang nakain ng lalaking ito? "Kris, gusto mo bang lumabas?" masiglang tanong niya. Nakakapagtaka ang ikinikilos nito. "Bakit?Anong me'ron?" "Wala naman. Pasalamat dahil binigyan mo ako ng second chance.Ano game?" "Ano bang gagawin natin sa labas?" Imbis na sagutin ay iwinagayway nito ang dalawang tickets. Mabilis ko itong hinablot at tinignan. "No way!" usal ko. Ticket iyon para sa bagong m

